Si Jennylyn Mercado na ang puwedeng tanghalin na RomCom Queen at Metro Manila Film Festival (MMFF) Queen dahil sa back-to-back win nito bilang Best Actress.
Last year ay best actress na si Jen for English Only, Please at ngayon ay best actress siyang muli para sa #WalangForever.
Tulad last year ay walang ini-expect si Jennylyn sa Gabi ng Parangal ng MMFF 2015.
Dumalo si Jen dahil presentor siya at suportado niya ang buong Team ng #WalangForever na full force na um-attend ng awards night.
Hindi naman nabigo ang Team #WalangForever dahil bukod kay Jen ay nagwagi rin si Jericho Rosales bilang best actor at nasungkit din ang best picture award.
Nakuha rin ng #WalangForever ang mga award for best screenplay, best original story at FPJ Memorial Award.
Nagpasalamat si Jen sa Quantum Films para sa walang sawang pagkuha sa kanya sa mga project nito.
Sinusuklian naman ito ni Jen ng mahusay na performance kaya naman hindi kataka-takang manalo ito ulit ng best actress award.
Pia inimbitahan ng dating ‘ideal man’!
Inimbitahan ng member ng popular South Korean boy group Super Junior Choi Siwon ang newly crowned Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach na maging guest ito sa isa sa kanilang world tours entitled Super Show.
Si Siwon nga raw ang “ideal man” ni Pia noong 2009 noong kasalukuyang fan na fan ito ng K-Pop.
Sa mga past tweet ni Pia, nabasa roon ang kanyang pagiging K-Pop fan. Kasali siya sa group of fans ng Super Junior na kung tawagin ay ELFs.
Umabot pa nga raw si Pia sa pagdikit ng names nila ni Siwon at ang lumabas ay “PiaWon”.
Nagpadala naman ng congratulatory message kay Pia ang leader ng Super Junior na si Leeteuk.
Costumes ni Lady Gaga may sariling suite ‘pag naka-check in sa hotel!
Inamin ni Lady Gaga na mas kailangan niyang alagaan ang kanyang mga damit kesa sa sarili niyang katawan.
Ikinuwento nga ng singer sa TMZ na kapag may concert tour siya, may kakaibang special treatment ang kanyang wardrobe and accessories.
Sa hotel kung saan naka-billet si Gaga, may sarili ring suite ang kanyang mga dala-dalang costumes.
Nasa listahan ni Gaga na dapat ang suite ng kanyang mga damit ay “completely emptied of all furniture, beds, tables, desks ... anything not permanently attached to the walls or floor to be removed.”
Kailangan ay may four rolling wardrobe racks ito with 30 hangers (with and without clips), an iron and board, a Jiffy clothing steamer and four 6-foot banquet tables covered in linen.
Matindi rin ang security ng mga damit ni Gaga.
Two days bago dumating ang singer sa hotel, may mga security siya na mag-security sweep sa hotel floor niya.
At huwag daw magulat ang ibang guests ng hotel kapag may makita silang mga hubo’t hubad na mga kasamahan niya sa suite.
Nagpasabi na ang team ni Gaga na may gano’ng mga mangyayari dahil every now and then ay may fitting at pag-alter ng mga costumes.
“Please ensure the group is not asked to adhere to any dress code which your hotel might have,” ayon pa sa memo nila sa hotel.