Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang lahat ng may kinalaman sa produksiyon ng Beauty and The Bestie, lalo’t sina Vice Ganda at Direk Wenn Deramas na at the end of the Metro Manila Filmfest (MMFF), kanila pa ring pelikula ang tatanghaling top grosser lalo na nga’t may nagsabing isang guhit na lang at aabutan na nila ang kalaban.
As it is, magaganda ang review ng pelikula. Lalo’t sa performance nina Vice at ng iba pang members ng cast, tulad nina Coco Martin at ang tandem nina James Ried at Nadine Lustre at ng dalawang child performers na sina Alonzo Muhlach at Marco Masa.
Last year, if you recall, adjudged as the highest grosser of the MMFF ang The Amazing Praybet Benjamin, na pinagbidahan ni Vice at dinirek din ni Wenn Deremas.
Vice at pamilya sa Dubai nagpalipas ng pasko
Sa Dubai pala nagpalipas ng Pasko sina Vice at ang kanyang family. Na bihira na niyang makapiling, since most of them now ay sa US na nakatira kabilang na ang kanyang ina.
Baka sa Dubai na rin daw magpapalipas ng Bagong Taon ang mag-anak.
For his Christmas and New Year’s wishes, ipinamamahala na raw niya sa Maykapal ang kanyang kapalaran. As it is, more than satisfied na raw siya, kung anuman ang ipinagkaloob sa kanya ng Mahal na Panginoon.
Dalangin lang daw niya na manatiling healthy silang mag-anak, lalo na ang kanilang ina.
Back to back!
It’s a back to back win for Jennylyn Mercado, para sa Walang Forever.
Last year, if you recall, Jennylyn bagged the same award for her MMFF entry, English, Please Only, which Walang Forever director, Dan Villegas, also helmed.
The film was also produced by lawyer Joji Alonzo, who was also behind the production of Walang Forever na nanalo ring best picture. For the first time, nanalo si Jericho Rosales ng best actor award sa filmfest. Win siya bilang best actor for Walang Forever.
Samatala, natalo naman si Direk Dan kay Honor Thy Father director, Erik Matti, ng best director trophy.
Ang tanong ngayon, would Honor Thy Father won the honor na tatanghaling best picture, had not the committee behind the 2015 MMFF disqualified it?
Producer of Honor Thy Father were Ronald Monteverde, Mother Lily’s son, and John Lloyd Cruz, who played the lead role in the film.
Anak nina Dingdong at Marian mukha talagang magiging reyna
This early, hinuhulaan nang queen material, kumbaga, ang anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Maria Letizia Grace.
Kung sabagay, ang ganda talaga ng bata, kahit in a few weeks pa siya magtu-two months old.
But let’s not disregard the presence of Lucia, daughter nina Bianca Gonzalez ang six footer JC Intal.
Ang ganda rin ng bata.
Consider, too, ang magiging anak nina John Prats at Isabel Oli, beauty queen Shamcey Supsup ang her Chinese husband, Lloyd Lee.
And, too, ang magiging daughter nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, na papangalanan naman ng mag-asawa na Juana Luna. Or, Luna, for short.
Well, this early, on our part, pini-predict na namin ang mga batang babaing ito ay mga star materials.
Jerome pasok na rin sa Pangako
Pinaka-latest na addition to the cast ng series na Pangako Sa ‘Yo si Jerome Ponce, who will again portay na suitor to Kathryn Bernardo. Na magiging dahilan para magselos sina Daniel Padilla to Diego Loyzaga.
Jerome is in the cast of the currently showing MMFF entry, Haunted Mansion, co-starring him with Marlo Mortel at Janella Salvador.