MANILA, Philippines - Ang “reunion” kagabi nina Richard Gutierrez at KC Concepcion sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015 Awards Night na ginanap sa Kia Theater sa Araneta Center, Cubao.
Nabuhay na naman ang fans nina Richard at KC na noon pa ay humihiling na magtambal sila uli.
Kung matatandaan, big hit ang first movie team-up nila na For The First Time na produced ng Star Cinema at kinunan ang karamihan ng mga eksena sa Santorini, Greece.
After no’n ay napabalitang kinukuha ng GMA 7 si KC para gumanap na Darna para sa fantaserye na pagbibidahan sana nila ni Richard bilang Captain Barbell naman, pero hindi ‘yon natuloy dahil tuluyan na ring pumirma ng kontrata sa ABS-CBN si KC.
Ngayong nasa TV5 na si Richard at magbibida sa fantaserye na Ang Panday na magsisimula sa February, maraming nagre-request na sana ay magkaroon man lang kahit special participation doon si KC dahil under Viva Artists Agency naman siya at baka raw magawan ng paraan ‘yon.
Sabi ng Kchard fans, matutuwa sila kung muling mapapanood na magkatambal ang kanilang mga idolo.
Are you reading, Boss Vic del Rosario?!
Lagot…
Pagdiskwalipika sa pelikula ni John Lloyd, dadalhin daw sa kongreso
Speaking of MMFF 2015 Awards Night, hindi matatapos doon ang controversy sa pagkaka-disqualify ng pelikulang Honor Thy Father ni John Lloyd Cruz sa best picture category.
Nagbabalak ang isa sa cast ng pelikula na si Cong. Dan Fernandez na maghain ng resolution sa kongreso na imbestigahan ang pagkaka-isnab ng Honor Thy Father sa best picture category.
Ang sinasabing dahilan ng disqualification ay ang hindi raw pag-i-inform sa filmfest committee ng katotohanang naging opening film ang Honor Thy Father sa Cinema1 Originals Film Festival.
Ayon naman sa producers ng nasabing pelikula, na-inform nila ang MMFF 2015 committee tungkol doon.
“May sulat at emails ang producers ng Honor Thy Father sa mga taga-MMFF tungkol doon. Dapat mapaimbestigahan talaga kung ano ang nangyari at hindi isinali sa best picture category ang pelikula,” pahayag ng kongresistang aktor.
Sabi pa ni Dan, involved siya sa Honor Thy Father kaya aware siya kung paanong pinaghirapan ang pelikula para mapaganda at hindi tamang hindi ito kasali sa mga pinagpilian para sa best picture category ng awards night na ginanap kagabi.
“Marami kaming naririnig na kung anu-anong balita para raw may paboran, para mas maging fair, maghahain ako ng resolution sa kongreso para maimbestigahan ang tungkol doon,” pahayag pa ni Dan.
Samantala, sinubukan kong tawagan ang isang member ng filmfest committee kahapon para kunin ang kanilang panig kaugnay ng kaguluhang ito, pero mukhang abala na ito sa awards night at hindi nasagot ang aking tawag.
Bukas ang mga pahina ng PM para sa panig ng mga namamahala sa MMFF 2015 kung sakaling gustuhin nilang magbigay ng paliwanag tungkol dito.
Personal…
Happy, happy birthday sa owner ng Cosmo Skin products na ine-endorse ni Ruffa Gutierrez, si Mr. Niño Bautista.
Kilalang-kilala ng entertainment press si Niño pati ang co-owner ng Cosmo Skin na si Red Gatus dahil sa pagiging ma-PR nila.