May disqualification at ticket swapping MMFF para raw eleksiyon!

Nakakaintriga talaga ang diskuwalipikasyon ng Honor Thy Father sa Best Picture category, huh!

No wonder, hindi lang ang producers ng movie na sina Dondon Monteverde at Director Erik Matti ang sumisigaw ng hustisya kungdi maging ang netizens na nakapanood na ng John Lloyd Cruz starrer, huh!

Sa official statement na inilabas ni Dondon, wala silang nilalabag na rules ng MMFF.

Sila nga itong hindi binigyan ng kaukulang due process dahil sulat ng paglabag sa rules ng MMFF at disqualification ng movie ang laman nito.

Hindi man lang sila binigyan ng pagkakataong magbigay ng paliwanag eh the day two days before the awards night lang ipinarating ang sulat sa kanila  ng MMFF Committee.

Non-disclosure ang dahilan ng Committee na ipi­nalabas ito bilang opening film sa nakaraang Cine­ma One Indie Festival kaya disqualified.

Pero sa sulat ni Monteverde, ipinarating nila ito sa MMFF Secretariat, through email at phone call.

Dinagdag pa nila ang sulat mula sa Head ng Cine­ma One na si Ronald Arguelles na non-revenue ‘yung screening at bale ‘yun na rin ang premiere night ng movie na entitled naman ang bawat entry.

Ang isa pang ipinagtataka ni Dondon, sa Best Picture lang disqualified ang HTF at hindi sa iba pang kategorya.

So humihingi siya ng justice, investigation upang alamin kung sino ang nasa likod ng ginawa sa kanila.

Sa isang tweet naman ni Direk Matti, alam na raw niya ang entry na magiging Best Picture pero hindi niya ito pinangalanan.

Kagabi ang Gabi ng Parangal at suwerte kung si John Lloyd ang tatanghaling Best Actor. ‘Yun nga lang, pull out na sa ibang sinehan ang HTF dahil nga mahina ito sa takilya.

Masaklap man ang decision, magpapatuloy pa ring gumawa ng movie ang Reality Entertainment, para sa MMFF man ito o hindi.

‘Yun nga lang, hamon ni Dondon, tama na ang pananahimik!

Magkaisa na ang lahat upang panatali­hing malinis ang Metro Manila Film Festival.

Tweet nga ng isang broadsheet senior writer, parang national election ang MMFF.

May disqualification at may vote/ticket swapping! Ha! Ha! Ha!

Sa totoo lang, nangyari na rin kay Mother Lily ang nangyari ngayon sa anak niyang si Dondon.

Disqualified din noon ang entry ng Regal na Yesterday, Today, Tomorrow. Pero hindi ang bida na si Maricel Soriano bilang Best Actress na napanalunan naman niya sa festival na ‘yon.

Rason sa Regal producer, pinalitan daw kasi nila ang kuwento ng dapat na entry nila.

Eh ngayon ba, sure ang MMFF na walang palitan ng kuwento eh, palitan nga ng casting ng ibang entries, huh!

After the mother years ago, now comes na son crying  and shouting the same sentiments. Hindi ba nila titigilan ng pang-aapi sa Monteverdes eh, malaki naman ang kontribusyon nila sa film industry?

Janella naungusan na ang pelikula ni Kris

Nagbubunyi na ang fans nina Janella Salvador, Marlo Mortel, Jerome Ponce at iba pang mahihihilig sa totoong horror films sa ibang probinsiya dahil may sinehan na sa ilang lugar na puwede nilang panooran ng Haunted Mansion.

Eh, super lakas sa takilya ng Regal entry nu’ng first day nito sa sinehan.

Hindi lang pala P10-M plus ang kinita nito kungdi almost P20-M base sa opisyal na report na inilabas ng MMFF Executive Committee, huh!

Malayo man ang agwat sa number 1 and 2, winner pa rin ang lakas nito sa takilya lalo na’t malayo ang kasunod nito na movie ni Kris Aquino, huh!

Ayon sa posts ni Roselle Monteverde, ang sinehan sa probinsiya na puwede panoorin ang HM ay ang SM Tarlac, Baguio,, Sta. Rosa, Lucena, Batangas, Waltermart Tanauan, Sta. Lucia, Robinson’s Iloilo, Dasmariñas at Bacolod.

May isang sinehan nga rito nu’ng una ay hindi showing ang HM. Pero may dalawang sinehan silang bakante na inilalaan sa malalakas na entries.

Nang malaman na hataw sa unang araw ang HM, agad-agad na ibinigay sa Regal entry ang isa nilang sinehan, huh!

 

Show comments