^

Pang Movies

Nilalang ni Cesar nilalangaw daw

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Noong araw, sinasabing pinakakontrobersiyal ang ikatlong Metro Manila Film Festival noong 1977, dahil matapos na manalo ng pitong major awards, ang noon ay top grosser ding pelikula ni Governor Vilma Santos, iyong Burlesk Queen, nagkaroon pa ng usapan ng bawian ng awards, na hindi naman talagang nangyari.

Gusto nilang mabawian ng best picture award ang pelikula, dahil “bold” daw. Noong panahong iyon bold na talaga iyon at dahil ang star ay isang wholesome actress, si Vilma Santos, hindi matanggap ng marami iyon.

Pero iyon ang naging top grosser at na­ging isang pelikulang classic.

Natakpan ang controversy na iyon nang ideklara ng MMFF noong 2007 na best picture iyong pelikulang Enteng Kabisote 3, na maging ang bidang si Vic Sotto, hindi makapaniwala na sila ang best picture dahil ginawa naman iyon para magpatawa, hindi maging best picture.

Pero ikinatuwiran ng noon ay MMDA Chairman na si Bayani Fernando na may kasunduan daw kasi na ang top grosser din ang tatawagin nilang best picture. Kasi nga trade festival naman iyan at ang mahalaga ay kumita.

Pero sa palagay namin, iyang lahat ng mga controversy na iyan ay matatakpan ng nangyari sa taong ito na disqualification noong Honor Thy Father na sa simula pa lang ay sinasabi na ng lahat ng mga lehitimong kritiko na siyang pinakamahusay na pelikula sa festival.

Disqualified daw iyon dahil naipalabas na sa isa pang exhibition festival ng isang cable channel.

Ganito ang punto. Oras na ang isang pelikula ay isali mo diyan sa MMFF, nasasakop ka ng kanilang mga regulasyon o anumang desisyon nila. Kung iisipin mo, walang nilabag na rule ang Honor Thy Father.

Inamin naman nila maging sa kanilang publisidad na iyan ay na­ging opening film na ng Cinema One Originals, at inilabas na rin sa Toronto International Film Festival.

Ibig sabihin, hindi lihim na nailabas na iyan sa ibang festivals bago pa man isinali sa Metro Manila Film Festival nang umurong ang isang pelikula dahil balitang umurong din daw ang mga investors noon.

Kung iisipin, dapat sinabi nila noon pa mang una, na sige kayo ang isasali pero hindi na kayo kasali sa awards bilang best picture dahil nailabas na iyan.

Pero hindi ginawa iyon ng MMDA hanggang noong isang araw na lang bago ang awards.

Sana nagkaroon ng pagkakataon ang producers na huwag na lang isali ang pelikula, o isali man sabihin na nilang sila ay hindi in competition.

Pero sinabi nga the day before the awards, at dahil holiday nga, walang opisina ang MMDA para iapela nila ang desisyon. Pero iyon ang desisyon ng MMDA, wala kang magagawa kasi sumali ka na.

Hindi sila kasali sa best picture category, pero baka naman mas makatulong sa kanila.

Kasi hindi man sila ideklarang panalo, alam naman ng mga tao sa simula pa lang na iyong Honor Thy Father ang siyang pinakamatinong pelikula diyan sa festival na iyan.

Kung kalidad ang pag-uusapan, walang isa man sa ibang pelikula na makakalaban.

Ang masakit pa, binawasan nila ng sinehan iyang Honor Thy Father sa unang araw pa lamang ng festival.

Ganoon din naman iyong pelikula ni Cesar Montano na sa first day na-pull out na sa mga sinehan.            

Masakit nga lang iyong sa Honor Thy Father, kasi gumawa sila ng isang makabuluhang pelikula, binuhay nila ang pag-asa ng maraming mga Pilipino na hindi lang naman pala mga pelikulang maaaring hakutin ng truck ng Leonel at Ren ang mapapanood nila sa festival, tapos na-pull out na sa mga sinehan dinisqualify pa nila. Kaya kung sino man ang ideklara nilang best picture, baka pagkatawanan na lang iyan kasi iyan ay idineklara nilang best picture by default, dinisqualify kasi ang talagang best picture.

Ayaw naming isipin na may iba pang nag-aambisyong maging best picture. Isipin na lang nila na para silang “na-Miss Colombia”.

ANG

BEST

FESTIVAL

HINDI

HONOR THY FATHER

IYON

MGA

NBSP

PELIKULA

PERO

PICTURE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with