Mamaya na ang Gabi ng Parangal ng 41st Metro Manila Film Festival na gaganapin sa Kia Theater, Araneta Center in Quezon City.
Wala kaming nakuhang news kung sino ang magho-host dahil tahimik lamang ang executive committee ng festival, wala silang ipinalabas na press release tungkol dito.
Siguro rin, ia-announce na nila ang official box-office returns ng walong pelikulang kalahok.
Iyong mga naunang lumabas na figures ay unofficial at mula lamang sa mga SM cinemas.
Beauty... at My Bebe… naghahabulan ang kita
Tulad nang inaasahan, nanguna sa box office ang romantic-comedy movie na My Bebe Love #KiligPaMore sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) na tampok sina Vic Sotto, AiAi delas Alas at ang phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza.
Ang movie ay produced ng OctoArts Films, M-Zet Television Productions, Inc., APT Entertainment, GMA Films at Meda Productions, na dinirek ni Jose Javier Reyes who co-wrote the script with Bibeth Orteza.
Special guests sina Joey de Leon at ang tatlong lolas sa kalyeserye ng Eat Bulaga na sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros, Ryzza Mae Dizon at ang dabarkads.
Isang feel-good movie para sa mga young at young-at-heart na sinuportahan ng mga fans nina Vic at AiAi at ng AlDub Nation nina Alden at Maine kaya marami nang nagsabing sigurado na itong mangunguna sa takilya.
May unofficial report na lumabas noong first day showing last Christmas day, na kumita ito sa mga SM cinemas pa lamang, nationwide ng P29.3 million at ang Beauty and the Bestie nina Vice Ganda at Coco Martin ng P 25.3 million.
Ang official box-office returns ay tanging ang MMFF lamang ang makapagsasabi kung magkano talaga ang kinita ng bawat walong pelikula na kalahok.
AlDub Nation pumalag sa ‘ticket switching’?!
Maraming aberyang nangyari sa first day showing ng mga pelikula na naka-post sa Twitter at may mga personal ding text kaming natanggap.
Unang pinalagan ng AlDub Nation ang diumano ay nakapila na sila sa Robinson’s Magnolia at saka sinabing walang first at second screening ng My Bebe Love (MBL) at 3:00 p.m. na raw ang screening. Ganoon din sa Fisher Mall.
Ibig sabihin, nawalan na ng kita ang movie, samantalang nag-post din sila na ang ibang theatres ay nagsimula na ang screening as early at 10:40 a.m.
Pero ang ikinasama talaga ng loob ng AlDub Nation ay diumano, ang binili nilang tiket ng MBL, ang ibinigay ay tiket ng Beauty and the Bestie.
Nagsimulang nag-report ang mga nanood sa SM Bacoor ng tinawag nilang scam.
Iyong ibang napansin agad na mali ang ibinigay na tiket sa kanila ay nakapagreklamo kaya pinalitan.
Ang ibang hindi napansin agad ang ticket ay hindi na nakapagreklamo na mali ang ticket nila.
So, hindi nasama sa sale ng MBL ang maling ticket. Ang huli naming nabasang post from SM Angono in Rizal ay diumano, ayaw na silang pagbilhan ng ticket ng MBL, wala na raw, kung gusto ay ang BATB na lamang ang panoorin nila dahil may ticket pa.
Kaya nag-post sa Twitter si Direk Joey na from the producers, totoo raw ang mga nangyari, kaya maging cautious na raw lamang ang AlDub Nation, tingnan muna ang binili nilang tiket, report anomalies or take pictures and post it in social media para may ebidensiya.