Nabahiran ng kontrobersya ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015 dahil sa ticket swapping incidents na pinabulaanan kahapon ng mga organizer.
Taun-taon, hindi nawawalan ng kontrobersya ang MMFF kaya hindi na bago ang kiyeme-kiyemeng tickets swapping ‘no!
Madaragdagan pa ang kontrobersya sa magiging resulta ng gabi ng parangal ng MMFF na mangyayari ngayong gabi sa Kia Theater.
Siguradong magkakaroon ng eskandalo kapag hindi deserving ang mga mananalo sa mga kategorya ng best actor, best actress at best picture. Kung papansinin ninyo, paulit-ulit lamang ang mga isyu at kontrobersya sa MMFF, iba-iba nga lang ang mga sangkot na tauhan.
Pelikula nina Jennylyn at Echo, liyamado sa pagka-Best Picture
Masuwerte ang pelikula na mananalo ng best picture sa MMFF Awards.
Kahit kulelat sa takilya ang lucky movie, siguradong pipilahan ito ng manonood dahil sa best picture award na nasungkit.
Liyamado sa best picture category ng MMFF Awards ang Walang Forever, ang pelikula nina Jennylyn Mercado at Jericho Rosales.
Mahigpit na magkalaban sa best actor category ng MMFF Awards sina Jericho at John Lloyd Cruz pero punumpuno ng sorpresa ang MMFF.
Puwedeng manalo ang mga hindi expected na mag-win tulad ng tagumpay ni Baldo Marro noong 1988.
Si Baldo Marro fight director na nag-win ng MMFF best actor trophy para sa pelikulang Patrolman at tinalo niya noon si Christopher de Leon.
Malaking isyu ang MMFF victory ni Baldo Marro pero walang nagawa ang mga nagrereklamo dahil hindi binawi ang kanyang acting trophy.
Kaya nagbabu ng maaga, Kris tanggap na ang kapalaran ng pelikula
Hindi na hinintay ni Kris Aquino ang Gabi ng Parangal ng MMFF 2015 dahil hindi siya umasa na mananalo.
Nag-babu sa Pilipinas si Kris at ang kanyang mga anak noong Pasko para magbakasyon sa ibang bansa.
Matagal-tagal na mawawala ang mag-iina dahil dalawang linggo ang bakasyon nila.
Knowing Kris, naka-monitor ito sa box office gross ng mga pelikula na kalahok sa MMFF, kahit nasa ibang bansa siya. Si Kris pa?
Kahit mga first timer sa pelikula Haunted Mansion mabentang- mabenta sa takilya
Naglabas kahapon si Mother Lily Monteverde ng statement tungkol sa Haunted Mansion, ang official entry ng Regal Entertainment Inc. sa Metro Manila Film Festival 2015.
Maligayang-maligaya si Mother dahil tumabo sa takilya ang Haunted Mansion, kahit mga young star ang bida ng pelikula. Ito ang statement ni Mother Lily na nagpapasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa Haunted Mansion:
“Thank you for supporting Regal and I am very happy to have grossed 10 million on opening day. Roselle and I plus the whole team tried our very best to make this picture successful. Considering that our cast is made up of new stars we tried to make these new stars fullfill their goals.
“In Metro Manila - cinemas are all bunutan. Each producer shares the same quantity of cinemas but outside Metro Manila, it is different- they don’t have this ruling. The provincial theater owners choose their own entries like... My Bebe Love, Beauty and The Bestie, All We Need Is Pag-ibig…
“These movies were able to get more cinemas than the smaller producers like Regal. These top 3 movies were able to have more than 150 or 120 cinemas unlike Haunted Mansion which has only 48 cinemas…”