Hindi namin napanood nang live ang panalo ni Pia Wurtzbach bilang Miss Universe 2015. Pero sa party ng Star Group of Companies, usap-usapan ang pagbawi sa korona kay Miss Colombia na unang i-announce na winner pero kapagdaka ay binawi dahil si Pia ang tunay na winner ng pageant!
Nag-sorry ang host ng pageant na si Steve Harry sa pagkakamali niya. ‘Yun nga lang, hinagupit pa rin siya ng batikos!
Sa text message kahapon ng isang listener sa radio program nina Karen Davila at Vic Lima, napansin ng texter na hindi raw na-acknowledge si Pia bilang first runner up. Usually, unang ina-announce ang winner at saka sinasabi ang runner up!
Nagkaroon man ng malaking blunder, still, nakamit na natin ang Miss Universe title after 42 years na pinanalunan noon ni Margie Moran!
Sa sagot ni Pia sa question and answer, mauuso ang sinabi niyang “confidently beautiful with a heart!” Ganoon ka rin, Salve A, ‘di ba? Whoo!!! (Regine)! (Hahaha ‘di naman tito masyado. Choz lang po. – SVA)
Mga kolumnista damay din, mga empleyado ng Star Group of Companies buhos ang biyaya tuwing Kapaskuhan
Game na nag-costume ang Chief Executive Officer ng Star Group of Companies na si Miguel Belmonte sa motif ng Christmas Party na Merry, Merry Asian Christmas na ginanap sa The Tent ng Sofitel Hotel kahapon.
Eh, halos lahat kasi ng empleyadong dumalo, naka-costume mula sa iba’t ibang Asian country kaya naman nakisama rin si Sir Miguel na daig din ang ilang artista sa gustong magkaroon ng picture sa kanya, huh!
Biro nga lang ni Sir Miguel, “Ang hirap lang sa suot ko, itaas mo pa ito bago ka makapag-rest room! Ha! Ha! Ha!”
Araw nga ng empleyado ang December 21 dahil sila ang bida sa programa. Nagkaroon ng group presentation ang apat na grupo mula sa apat na publication ng PhilStar pati na nagtatrabaho sa printing department.
Winelkam din ang empleyado ng Business World na na-acquire na ng STAR Group of Companies. First time nilang maka-join sa Christmas party ng kumpanya kaya naman sila ang pinakamasaya at maingay sa okasyong ‘yun!
Siyempre pa, hindi nawala ang malalaking raffle prizes. Ayon sa mga host, P4.5-M ang ginastos sa pa-raffle na mula sa gadgets, cell phones, staycation sa hotel at datung! Binigyan din ng cash prize ang ten winners sa best in costume competition.
At sa group presentation, P50K ang winner, huh!
Naging special guest sina Matteo Guidicelli at Shaina Magdayao. Sila ang nagbigay sa drama series na Single/Single sa Cinema One na produced ng Phil. Star.
Ilang taon na kaming kolumnista rito sa PM at dama rin namin ang pagmamahal at malasakit ng namumuno sa publikasyon. Isang beses lang sa isang taon ang Pasko and yet, nandoon ang importansiya ramdam na ramdam sa mga kolumnista!
Mabuhay ang Star Group of Companies!