May short article si Bum Tenorio sa The Philippine STAR para sa pictorial nila for PeopleAsia magazine kunsaan cover sina Alden Richards at Maine Mendoza. One minute na umiyak si Maine nang tanungin siya kung lahat ay naibigay sa kanya on a silver platter, “saan ka nagkulang, anong bagay lamang ang hindi naibigay sa iyo?”
“TLC. Tender loving care,” ang sagot ni Maine. “Iyon po ang hindi naibigay sa akin, kulang po ako sa atensyon noong bata pa ako. Affected po ako kapag ang parents ko, my siblings, about my relationship with them ang pinag-uusapan. But slowly, I am getting used to their attention now. I thank the Lord for this opportunity for my family and me to become close. Ito na po ang tamang panahon to make things right, little by little.”
No wonder na may pagkaiyakin si Maine sa mga eksena nila sa kalyeserye, may pinaghuhugutan pala siya.
Pareho sila ni Alden na may lonely childhood din dahil maagang pumanaw ang kanyang ina, kaya may pagkaiyakin din si Tisoy.
Tulad kahapon, todo-iyak si Alden sa Sunday PinaSaya nang isorpresa sa kanya ng GMA Records at PARI ang Double Platinum award ng album niyang Wish I May na bumenta na ng more than 30,000 units.
Inamin ni Alden na kahit pagod na siya sa marami niyang ginagawa, ang ganoong accomplishment niya ay muling nakapagpapasaya at nakakaalis ng pagod niya. Kailan nga lamang na kahit hindi pa nari-release official ang first album niya sa GMA Records, nakakuha na ito ng Gold award sa iTunes, after two weeks, Platinum na at ngayon Double Platinum na, kaya hindi kataka-taka na maiyak siya sa tuwa.
Kahapon ay live pa rin ang #SPSChristmasParty at muli, si Louie Ignacio ang nagdirek nito, ibig sabihin ba si Direk Louie na ang magha-handle ng Sunday comedy-variety show headed by AiAi delas Alas, Alden, Jose Manalo, and Wally Bayola?
Bossing nakigulo na rin sa Kalyeserye
Sumali na rin si Bossing Vic Sotto sa kalyeserye ng Eat Bulaga dahil siya pala ang ama ni Yaya Dub (Maine Mendoza) na matagal na niyang gustong makita, si Tatay Dodong.