Sa presscon ng Honor Thy Father ay natanong si John Lloyd Cruz tungkol sa napabalitang siya ang first choice sa historical film na Heneral Luna, which as we all know ay naging napakamatagumpay hindi lang sa box-office kungdi talagang pinuri-puri rin ng mga kritiko ang kalidad nito.
Ang tsika, hindi na nga raw nakarating pa kay Lloydie ang offer dahil napaka-busy nito.
“Kasi, parang sa magkaibang pagkakataon po, parang. . . kung halimbawa, ngayon, parang napakaimposible ko na siyang maisip gawin,” pahayag ni Lloydie. “After watching John Arcilla (na gumanap na Hen. Luna), after kong makita ‘yung ginawang trabaho ni Kuya John sa pelikula, actually, nagpasalamat pa ako. Salamat at sa kanya napunta kasi hindi po kayang gawin ‘yung ginawa niya.”
Parang napaka-humble naman niya yata sa pagsasabi nu’n dahil mas bata siya kay John at du’n sa movie, bata pa si Gen. Luna.
“Opo, pero hindi ko na siya maiisip. Noon kasi, nakakahiya man, madalas kasi, ‘yung panahong ‘yun, ang mga script sa amin, hindi na nakakarating.
“Kahit nga po ‘yung offer lang or ‘yung kahit na parang inquiry lang, hindi na po nakakarating sa amin, sa totoo lang. Eh kadalasan din naman, we also have to honor ‘yung commitment namin sa napirmahang kontrata. Eh ‘yun naman po ang magkakaproblema kung ipipilit namin kahit hindi talaga kaya.
“Kaya po ‘yung sumunod kong kontrata, ginawan ko na ng provision. So, unti-unti po, nama-manage na,” say ni Lloydie.
Samantala, ayon naman kay Erik Matti na direktor ng Honor Thy Father, tailor-made talaga kay JLC ang role nito sa said film dahil ipinakita raw talaga ng aktor ang wide range ng acting nito.
“Lahat ng hindi niya nagawa sa mga nauna niyang movies, ginawa niya for the first time sa Honor Thy Father,” sabi ni Matti.
Kaya naman nang magkaroon ng world premiere ang HTF sa 2015 Toronto International Film Festival, tumanggap ito ng positibong reviews mula sa The Hollywood Reporter.
Nang gawin itong opening movie sa nakaraang Cinema One Originals, pinilahan ito ng manonood na manghang-mangha sa galing ni Lloydie at pagkakagawa ni Matti.
Ngayon ay mas marami na ang makakapanood ng halimaw na acting ni JLC sa HTF bilang isa ito sa official entries sa Metro Manila Film Festival 2015 na magbubukas sa December 25.
Bilang added treat sa mga nag-aabang sa pelikula, dinagdagan pa ito ng matinding eksena at may bagong kanta na wala sa international version.
Ang HTF ang latest collaboration ng producer-director partnership nina Dondon Monteverde at Direk Erik.
Ilan sa projects na pinagsamahan nina Dondon at Direk Erik ay ang mga pelikulang Prosti, Pa-Siyam, Exodus, Tiktik: The Aswang Chronicles, Rigodon, On The Job at Kubot: The Aswang Chronicles 2.
Ang HTF ang pangatlo sa kanilang proyekto na nabigyan ng graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB). Ang naunang dalawa pa ay On The Job at Kubot.
Kris hindi makalimutan ang dating karelasyon, binabalik-balikan ang alaala
Ayon kay Kris Aquino, baka raw hindi na siya magmahal ulit. Ito ay base na rin sa post niya sa kanyang blog noong Dec. 18. Nag-upload siya ng video ni Adelle performing All I Ask pero ang title ng kanyang post ay “What If I Never Love Again?”.
Saad niya in her entry, “Sumesenti… So I reflected why I am so affected by this song… It’s simple, because I think I’m likely to never fall in love again (I’ll expound on WHY in the FUTURE.)
“And yes, many years ago I did experience a good ending, although at that time I thought it was finally our beginning… Granted we never saw each other again as “lovers” although we’re the classic ill-fated textbook example, and we never had “closure” – but I can always look back on the memory and smile. And sometimes shed a happy tear. There was a bracelet with a heart, and a card that said (I’m sorry paraphrase na lang ito because it was a super long time ago) “My one wish has always been you, and tonight it finally came true.”
Oh well, na-curious naman kami kung sino ang tinutukoy ni Kris. Naisip namin si Mayor Herbert Bautista pero parang hindi dahil say niya, super-long time ago na raw.
Naisip din namin ang ex-husband niyang si James Yap pero may closure naman sila kaya parang hindi rin siya.
Ang ilan sa mga na-link sa kanya or nakarelasyon niya many years ago ay sina Alvin Patrimonio, Phillip Salvador, Joey Marquez, Vic Sotto among others. Sino kaya sa kanila?