Robin nag-emote sa ineendorso sa pagka-pangulo

Ikinalungkot ni Robin Padilla ang pralala na hindi sikat sa Mindanao ang presidentiable na sinusuportahan niya.

Hindi naiwasan ni Robin na mag-emote nang mabasa niya ang pahayag ng isang mambabatas.

“Nakalulungkot ito para sa Muslim Mindanao. Nakalimutan na natin talaga ang all out war, Zamboanga at Mamasapano.

“Libu-libong Muslim Mindanaoans ang itinapon ng Malaysians mula sa Sabah pabalik sa Tawi-Tawi at Jolo. Ito ay naganap sa panahon na ito, ang bilis ninyong makalimot.

“Wala akong masasabing pangit kay Ginoong Mar Roxas ngunit wala rin akong masasabing maganda. Anim na taon sila’y namuno, walang mahirap na Bangsamoro ang nakinabang dito kundi ang mga may kapangyarihan,” ang emote ni Robin na isang Muslim kaya hindi niya napigilan na i-broadcast sa publiko ang kanyang saloobin.

Kaya nagtatago, aktres ayaw mapahiya sakaling sumemplang sa takilya ang pelikula

Playing safe raw ang isang aktres kaya hindi ito visible kahit may pelikula siya na kasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ang tsismis, naniniguro lang ang aktres kaya low-profile siya. Kung sakaling mag-flop ang kanyang pelikula, puwedeng sabihin ng aktres na hindi siya nag-promote, ang co-stars niya lang.

Pero kapag pinilahan sa takilya ang pelikula, madali na sa aktres ang magpakita sa publiko at mag-claim na blockbuster ang kanyang MMFF movie na inabandona. Inabandona raw o!

Pastillas Girl nasa TV5 na

Suplado ang ilang mga reporter na umapir sa Christmas party for the press ng TV5.

Nang ma-sight nila sa event si Pastillas Girl, dedma sila dahil pro-Yaya Dub ang karamihan sa kanila.

Dyusko, magpaapekto ba sa rivalry nina Yaya Dub at Pastillas Girl? In the first place, may rivalry ba?

Kamamatay lang ng madir ni Pastillas Girl kaya simpatiya ang kaila­ngan niya, hindi panglalait.

Hindi naman kasalanan ni Pastillas Girl na siya ang itinapat ng It’s Showtime sa Eat Bulaga ‘no! Kahit sino naman ang nasa lugar ni Pastillas Girl, sasamantalahin nila ang pagkakataon, lalo na ‘yung mga gustung-gusto na maging artista at mabigyan ng break sa showbiz.

Hindi naman contract star si Pastillas Girl ng TV5.

Isinama lamang daw siya ng isang tao na may koneksyon sa TV5 sa idinaos na Christmas party.

May blind item si Bebong Muñoz, ang head ng ta­lent center ng TV5 tungkol sa isang mestisang babae na sikat sa Internet na mag-oober da bakod sa TV station nila. Hindi naman siguro si Pastillas Girl ang subject ng blind item ni Bebong ‘no?

Diether hindi na mapigilan sa paglayas sa Kapamilya

Natatandaan ko ang reaksyon ni Diether Ocampo nang dumalo ako noon sa presscon ng Wattpad Presents.

Nang tanungin si Diether tungkol sa TV5 teleserye na pagtatambalan nila ni Claudine Barretto, negative ang sagot niya dahil wala raw siyang alam.

Ang sey ni Diether, matagal na silang hindi nagkikita ni Claudine kaya ipinasabi niya sa mga reporter ang kanyang pangungumusta.

Pero sa Christmas party ng TV5 para sa showbiz press, kinumpirma ng mga bossing na si Diether ang isa sa leading men ni Claudine sa teleserye na Bakit Manipis Ang Ulap?

Kung tinanggap ni Diether ang project, talagang pang-TV5 na ang byuti niya, hindi na sa ABS-CBN, sa kabila ng kanyang pahayag na talent pa rin siya ng Star Magic, ang talent division ng Kapamilya Network.

Show comments