^

Pang Movies

Julie Anne, tapos na ang pag-atungal

Jun Nardo - Pang-masa

Walang alam si AiAi delas Alas sa pagyakap ni Maine Mendoza kay Julie Anne San Jose sa Sunday PinaSaya nu’ng Linggo.

“Mabuti naman, para matapos na ang pag-iiyak niya (Julie Anne)!” sambit ni AiAi nang magkaroon siya ng intimate thanksgiving sa ilang kaibigang press sa Skinita Stree Foodz ng anak na si Sancho Vito nu’ng Sunday evening.

Present din nu’ng gabing ‘yon ang anak niyang si Sancho. Nagsampol ng husay sa pagluluto ang panganay na anak ng Hobe pancit bihon na inieendorso rin ng Comedy Concert Queen.

Ngayong Pasko, sobrang ligaya ang nadarama niya dahil isa na naman ang movie nila ni Vic Sotto na My Bebe Love #Kilig Pa More ang inaabangan na MMFF entries.

Hiling niya na hindi lang ito manguna sa takilya kundi gumawa rin ng history sa Phi­lippine cinema  bilang isa sa record-breaking movies.

Sa panig naman niya ngayong Pasko, “Masaya ako now. Hindi lang naman ito about sa career ko, sa lovelife and family life ko. Masaya ako kasi walang may sakit sa mga anak ko. Lahat ng mga anak ko, may mga career. May mga ginagawa. So napaka…Sobrang blessing ni Lord sa akin this year.

“Na akala ko, naiwan na ako ni Lord. ‘Yun pala meron Siyang napakandang gift sa akin!”

Ano naman ang nararamdaman niya sa darating na taong 2016?

“New year will also be a good year!” deklara ni AiAi.

Aalis sina AiAi at Sancho after ng Parade of Stars sa December 23 upang sa Amerika mag-Christmas kapiling ang mga anak na sina Nicolo at Sophia. Babalik siya ng bansa sa January upang harapin ang iba pang commitments.

Mother Lily umiral ang pagiging ina

Umiral ang pagiging ina ni Mother Lily sa anak na si Dondon Monteverde nang magsabi ang una na magsasagawa ng presscon para sa pelikulang Honor Thy Father ni John Lloyd Cruz. Isa ito sa entries ngayong film festival at produced ng Reality Entertainment, Inc. ng anak.

Ang Reality Entertainment ang nag-produce ng well-acclaimed movie na On The Job nina Piolo Pascual at Gerald Anderson.

Ito rin ang gumawa ng MMFF entries na The Aswang Chronicles, - Tiktik at Kubot episode.

Hindi naman maipagkakailang sorpresa ang pagkakasali ng HTF sa festival dahil nag-back out ang unang napiling entry na Hermano Puli.

Wala namang isyu ito sa producers dahil isinumite rin kasi niya sa committee ang movie pero number 9 ang naging ranking niya sa entries.

Gayunpaman, natutuwa na rin ang producers ng movie dahil maipagmamalaki naman niya ang kabuu­an nito na idinirek ni Erik Matti.

Maganda ang naging feedbacks nang magkaroon ito ng special preview sa Cinema One Originals in­diefest.

Eh, ang Honour Thy Father ang pinakamatin­ding challenge kay JLC bilang aktor. Matapos siyang ma­pa­nood sa box-office hit na A Second Chance, kakaibang Lloydie naman ang tatambad sa manonood sa HTF!

 

A SECOND CHANCE

ACIRC

ANAK

ANG

ANG REALITY ENTERTAINMENT

ASWANG CHRONICLES

CINEMA ONE ORIGINALS

COMEDY CONCERT QUEEN

MOTHER LILY

NAMAN

NIYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with