Sa pagharap ni Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub sa kanyang first press conference kasama ang cast ng Metro Manila Film Festival official entry na My Bebe Love #KiligPaMore, inamin nito na kinabahan siya.
Pero nasagot naman ni Maine ang mga tanong ng press sa kanya. Kahit na ang mga personal na mga tanong ay game na sagutin ni Maine.
Sa tanong nga kung ano ang pakiramdam niya sa kanyang biglaang pagsikat sa showbiz, sabi niya ay hindi pa raw niya nararamdaman na sikat siya.
“Hindi ko po kasi iniisip iyon. Opo nakaka-overwhelm ang mga nangyayari sa akin at kay Alden (Richards). Nagpapasalamat kami sa lahat ng mga ito.
“Pero ako kasi, hindi ko talaga iniisip na heto na pala ako, nandito na pala ako sa lugar na ito. Ayokong isipin po iyon.
“Basta ako, masaya ako at nagpapasalamat sa lahat ng blessings,” ngiti pa niya.
At kahit sobrang busy si Maine sa kanyang newfound career in showbiz, nagagawa pa rin daw niyang magsulat sa kanyang blog.
May nagtanong na fan nga kay Maine kung ready na ba siyang magsulat ng sarili niyang libro at ikuwento na niya ang kanyang lovelife.
Sagot ni Maine ay hindi raw imposible iyon. Pero dapat daw ay sa “itinakdang panahon” ang kanyang pagsulat ng libro tungkol sa lovelife niya.
Carmi ibinuko ang sikreto sa pagpapabata
Marami ang hindi makapaniwala na 52 years old na si Carmi Martin.
Kaya naman ang mga secret ng kanyang pagiging bata at sexy pa rin kahit na isang Golden Girl na siya ay kanyang isiniwalat sa isang guesting niya.
Pinakaimportante raw ay ang magandang kutis parati.
Madalas daw mapuyat si Carmi dahil sa mga teleserye at pelikula na ginagawa niya.
Napapanood si Carmi sa GMA primetime teleserye na MariMar at sa weekly comedy series na Ismol Family.
“I regularly go to facial centers para pa-clean ko talaga ‘yung face ko.
“And then ang investment ko talaga ‘yung mga cream for the face, for my hair, talagang mahilig ako diyan.
“I regularly go sa facial center para malinis ‘yung face ko.
“Once a week. Hindi lang facial, diamond peel, meron silang mga treatments talaga,” diin niya.
Pati raw buhok ni Carmi ay alagang-alaga niya.
Ang katawan naman ni Carmi ay alaga niya sa exercise at diet.
“Hangga’t maaari ay iniiwasan ko ang mamantika. Maprutas at magulay akong tao. Tsaka white meat ang gusto like chicken or fish.
“Puwede naman ako mag-steak once in a while. Huwag lang parati.
“Tapos exercise. Gym buff ako ever since noong teenager pa ako.
“Kaya hindi nawala sa akin iyong mag-exercise.
“Kapag hindi ako makapunta sa gym, sa bahay na lang. Mga simple exercises basta pawisan ako,” pagtapos pa ni Carmi Martin.
Kanye West at Kim Kardashian ipinangalan sa santo ang anak
May pangalan na ngang napili ang mag-asawang Kanye West at Kim Kardashian-West sa kanilang baby boy na isinilang ng reality star noong nakaraang December 5.
Ito ay Saint West.
Sa Twitter nga unang in-announce ni Kim ang official name ng kanilang baby boy.
One name lang daw ito tulad ng kanilang panganay na si North West.
Very seldom nga raw na gawing first name ng tao ang pangalang Saint. Kadalasan ay isa itong title na binibigay sa mga religious authorities.
Pero dahil gustong maging unique ng mag-asawang Kanye at Kim, kaya Saint ang napili nila dahil sa religious meaning nito.