Naaawa ang kasamahan sa show ng isang singer-actress. Madalas kasi siyang umiiyak dahil sa bashers niya sa social media.
Kasamahan kasi sa show ng singer-actress ang isang aktor na na-link sa kanya. Hindi naman sila nagkaroon ng relasyon pero patuloy pa rin siyang hinahagupit ng haters at bashers niya, huh!
So ‘yung co-stars niya, pinagagaan na lang ang kanyang loob at huwag seryosohin ang bashers/haters.
After all, may career siyang dapat pangalagaan at dapat niyang ipagpasalamat na suportado siya ng network.
Kahit bano sa Tagalog, mga naiwang finalist ng StarStruck fresh-looking at poging-pogi
Ang dalawang bano sa Tagalog na sina Elysson de Dios at Migo Adecer ang naiwang guys sa Starstruck. Sa babae naman, sina Ayra Mariano at Klea Pineda ang natira. Silang apat ang Final Four ng artista reality search ng GMA Network na inanunsyo last Friday.
Cebuano si Elysson habang Fil-Australian si Migo. Aminado silang kapwa na hirap sila sa Tagalog at kita ‘yon sa mga challenge na ipinagawa sa kanila, huh! Kapwa kasi fresh at guwapo kaya malakas ang dating sa fans. Sana ay tularan nila si Joel Torre na halata ang pagiging Ilonggo sa pagdi-deliver ng linya sa pelikula.
Ngayon, hasang-hasa na ang veteran actor sa Tagalog at award-winning actor pa, huh!
Direk Dan at Direk Antoinette, naghiraman ng artista?!
Magkalaban sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ang mga pelikulang idinirek nina Dan Villegas at Antoinette Jadaone. Kay Dan ang Walang Forever nina Jennylyn Mercado at Jericho Rosales habang ‘yung kay Antoinette ay si Kris Aquino ang bida.
In real life, magdyowa silang dalawa. In fact, co-writer pa si Antoinette sa WF, huh! Pero hindi ibig sabihin ay nagkukopyahan sila ng mga idea, huh!
“Friendly competition ‘yan. Forever na kasi kami! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Direk Dan.
Pero for sure, hindi syinare ni Villegas ang isang highlight ng WF kung saan ilang loveteams ang kasama sa movie na nag-reenact ng sitwasyon nina Jen at Echo bilang lovers sa movie, huh!
Isa sa artistang pumayag mag-guest sa film ay si Derek Ramsay. Balita namin, natuloy rin si Piolo Pascual na maging guest sa WF, huh!
Mga tao ng film outfit biglang-kambyo sa pangmamaliit sa showbiz press
Nawindang pala ang mga tao sa film outfit tungkol sa isinulat namin dito sa aming column. Tungkol ‘yon sa ipinalabas niyang bagong regulasyon na minamaliit ang showbiz press, huh!
Pero wala namang panahon para pasalamatan ang press na tumulong sa publicity ng movie nila.
Ang latest na balita, binawi na ng film outfit ang regulasyon na ‘yon. Natakot silang baka mabasa ng big boss ng kumpanya. Kaya ‘yung press na pinadalhan ng bagong regulasyon via text, tumitili ng walang sound, huh!
Buti naman, ‘no?