^

Pang Movies

Janella at Marlo may inaasahang milagro!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Magandang proyekto ang Haunted Mansion, hindi lang dahil sa content at kung papaano ginawa kundi dahil sa pelikulang iyan ay binigyan nila ng pagkakataon ang tatlong baguhan, sina Janella Salvador, Marlo Mortel at Jerome Ponce.

Ewan lang pero siguro kung hindi rin dahil sa Regal, ewan kung kailan sila magiging bida sa pelikula.

May mga nagsasabing dehado sila sa festival, dahil ang makakasabay nilang mga pelikula ay tinambakan ng mga sikat na stars, sasabihin mong tsamba pero hindi mo masasabi ang suwerte.

Maraming pagkakataon na ang mga baguhan ay name-milagro. Wala pa silang nagtitiliang fans, pero maaari nilang batakin ang mga nagbabayad sa sine.

Marami na rin namang pagkakataon na napatunayang iyong nagtiti­liang fans ay hanggang tili nga lang.

Natatandaan namin noon, ilang araw bago ang festival, may fans nang akala mo nakabantay sa standee ng isang aktres na may kasaling pelikula. Akala namin ‘pag nagsimula na ang festival ay pipilahan iyon.

Pero nang dumating na ang festival, pull out iyon sa unang araw dahil hanggang istambay lang naman sa labas ang ginawa ng fans na akala mo nakabantay lang.

Sa nakita namin, mukhang may hatak ang baguhang si Janella Salvador. Magandang bata naman talaga at nang kumanta, aba eh manang-mana sa nanay (Janine Desiderio) at tatay (Juan Miguel Salvador) niya.

Napakahusay kumanta. Huwag ninyong kalimutan na magaling na aktres din naman ang nanay ng batang iyan na Miss Saigon veteran.

Si Jerome Ponce naman, nagkaroon na iyan ng malakas na following noong kasama siya sa isang top rating morning series, pero parang napabayaan nga dahil pagkatapos ay hindi na rin nabigyan ng malaking break. Pero diyan sa Haunted Mansion bigla siyang naging bida.

Hindi rin naman natin maikakaila na mukhang sanay na sanay ang Regal sa mga films.

Iyong kanilang Shake, Rattle and Roll, labinlimang taong naging bahagi  ng film festival at taun-taon ay laging malaking hit.

Sila rin ang gumawa noon ng Bahay ni Lola. Sila rin ang unang gumamit ng robotics at nakalikha ng isang malaking hit sa Tiyanak. Eh ano ang dahilan para hindi rin nila magawang hit ang Haunted Mansion?

Kahit nalulugi, Mother Lily walang planong talikuran ang pagpo-produce

Nagkukuwentuhan kami ni Kuya Germs nang lumapit din si Mother Lily at nakikuwento.

Nabanggit niyang sa ngayon, ang Regal na lang yata ang natitirang major film company.

Lahat ng sinasabing major film companies noon na kasabayan nila ay wala na. Iyong isa ay nagsara na. Iyong isa naman ay nakiki-co-produce na lamang. Ang Regal ang natirang nakatayo at lumalaban pa rin.

Natawa lamang si Mother at sina­bing “you just don’t know. Ang hirap mag-produce ng pelikula talaga nga­yon. Ang Regal kaya lang tumutuloy kasi we love the movies. Gusto namin tumuloy ang industry. Kasi papaano na ang mga artista, ang mga director, at ang iba pang workers. Iyon lang ang r­eason kung bakit tuluy-tuloy na gumagawa ng pelikula ang Regal. Pero mahirap maging producer.”

Sakripisyo talaga ang maging producer ng pelikula ngayon. Hindi ka nakakasiguro kung kikita. Kumakalat nga ang balita na iyong isang pelikulang maingay noong una ay 159 thousand lang pala ang kinita sa lahat ng sinehan nila sa first day. Mabuti naman at ang mga pelikula ng Regal ay kumikita pa. May mahihina pero hindi naman bumabagsak.

ACIRC

ALIGN

ANG

ANG REGAL

HAUNTED MANSION

HINDI

LANG

LEFT

MGA

QUOT

STRONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with