Ayon kay AiAi delas Alas, sobrang ipinagpapasalamat niya sa Diyos ang magagandang nangyayari ngayon sa kanyang career.
“Siyempre, masyado akong thankful and doon ko napatunayan that God is great, kung gaano Niya tayo lahat kamahal.
“Ako bilang isang anak Niya na nanalig at humingi ng tulong sa Kanya at nag-blood compact kami kung ibabalik pa Niya ako sa showbiz uli and nagawa naman Niya and to God be the glory,” sabi ni AiAi sa presscon ng 2015 Metro Manila Film Festival entry na My Bebe Love: Kilig Pa More held last Wednesday
Natanong nga rin si Vic Sotto kung bakit ganu’n kalaki ang tiwala niya sa Comedy Queen na talagang kahit dumanas na ng pagbagsak at lahat ay talagang kinuha pa rin niya bilang leading lady.
“Kahit anon’g mangyari, hindi ko iiwanan ‘to,” say ni Bossing. “Eh sabit nang sabit, eh. Kabit nang kabit, eh,” pagbibiro niya pang dagdag. But seriously, say ni Vic, “alam mo naman, si AiAi, ito lang ang kaisa-isa kong ka-loveteam sa pelikula”.
Sa sinabing ito ni Bossing ay hindi napigilang maging emosyonal ni AiAi. “Grabe siya, may sarili akong eksena rito,” naiiyak na sabi ni AiAi. “Hindi, totoo. Never akong iniwan ni Bossing kahit noon-noon pa, nandoon pa ako sa kabila. Kahit sa text, never niya akong iniwan, hindi niya ako inabandona. Doon ko napatunayan na gusto niyang mag-sex kami talaga,” say pa ni AiAi na napatawa ang lahat sa huli niyang sinabi.
Say naman ulit ni Vic, “kami ni AiAi, we have a special bond, eh. Matagal na, eh. Matagal na matagal na ‘yan, eh. So, kahit hindi kami nagkakausap, sa minsan-minsang text, eh nandu’n ‘yung pagtitinginan namin, eh. Kaya naman muling dumating ‘yung panahon na pwede kaming magkasama ulit, eh hindi na namin pinalusot ang pagkakataong ito.
“Sa kagandahang palad naman, eh, kasama pa namin si Alden (Richards) saka si Maine (Mendoza), si Bali and the rest of the cast with the good director like Direk Joey Reyes at ako’y naniniwala na when you do good things, good things will happen talaga, katulad nitong My Bebe Love: Kilig Pa More. Ito’y para sa sambayanang Pilipino.”
Ipinaliwanag din ni Vic ang tungkol sa pagkaka-cast ng AlDub sa movie. Aniya ay originally na talagang kasama si Alden noong time na kino-conceptualize pa lang ang movie.
“Kasi pinag-usapan namin ito, right after the 2014 Metro Manila Film Festival. Siguro mga, January or February, nag-usap kami. Si Alden, kasama na talaga noon.
“Si Maine Mendoza, sa Instagram pa lang siya nakikita no’n, and at that time, wala pa siya, eh. And tamang-tama naman, naghahanap kami ng bago for the role ng anak ko, ayun, parang nasakto lang, eh,” say ni Vic.
Talagang parang pinagtiyap daw ng tadhana na mabuo ang AlDub during those times na binubuo nila ang pelikula.
Taong 2011 nang unang magsama sina Vic at AiAi sa 2011 Metro Manila Film Festival movie na Enteng ng Ina Mo at nag-no.1 iyon sa takilya.
Alden at Maine, pinagtanggol ang mga mapang-aping fans
Sa nasabing presscon pa rin ay ipinagtanggol naman nina Alden at Maine ang fans nila sa issue ng pagiging possesive ng AlDub nation dahil nga napakaraming binaba-bash ng mga ito kapag may hindi nagustuhang kilos o komento ng iba sa kanilang idolo.
Ang latest nga na naba-bash ngayon ay si Julie Anne San Jose at ang direktor ng Sunday PinaSaya na si Rich Ilustre dahil sa hindi pagkakaintindihan sa social media.
Ang kwento, nagtanong daw ang isang fan sa Twitter ay si Julie Anne at sumagot daw ang direktor ng “yup”. Dahil dito ay nagkagulo na ang AlDub nation at na-bash na nga ang dalawa.
May nagsasabing na-edit lang daw screenshot ng sagot ni direk dahil hindi naman daw “yup” ang sinagot nito kundi “nope”.
Pero may nabasa naman kaming sey daw ni direk, joke lang daw ang sagot niyang “yup”.
Anyway, paglilinaw ni Alden, na-hurt lang daw siguro ang kanilang fans.
“Well, it’s not being possessive naman. They’re just, kung baga, parang nasaling lang sila, na-hurt ‘yung feelings because of a rumor that’s not true.
“And siguro po, to pay respect na lang po ‘dun sa mga taong involved outside, maybe, let’s just. . .huwag na lang po natin silang pag-usapan kasi wala naman po sila rito.”
Dagdag naman ni Maine, “saka, wala naman pong dapat pag-awayan. Misunderstanding lang naman din po kasi ‘yung mga nangyari.”
Ang My Bebe Love: Kilig Pa More ang first movie ng AlDub loveteam at una ring pelikula ni Maine.
Showing na ang pelikula on Dec. 25 as part of the Metro Manila Film Festival 2015 mula sa direksyon ni Joey Reyes at produced ng OctoArts Films, M-Zet Television Productions, Inc., APT Entertainment at GMA Films and Media Productions.