MANILA, Philippines – Kahit na anong pang-i-insist ni Jennylyn Mercado na friends lang sila ni Dennis Trillo ay ayaw pa rin siyang paniwalaan ng karamihan ng entertainment press na um-attend ng grand presscon ng Metro Manila Film Festival 2015 entry nila ni Jericho Rosales na Walang Forever.
Alam ng karamihan na ayaw lang talagang aminin nina Jennylyn at Dennis na nagkabalikan na sila.
Maging ang mga taong malalapit sa kanila ay naniniwalang sila na uli.
Sabi nga ng iba, wala naman daw forever sa pagdi-deny na ginagawa ni Jennylyn at pasasaan ba ay aamin din naman sila ni Dennis na nagkabalikan na nga sila lalo na at hindi naman nila mapigil ang paglabas-labas na sila ang magkasama.
Saka kahit naman ang fans, mukhang walang tutol sa pagbabalikan nila.
Anyway, marami ang humuhulang maghi-hit sa MMFF 2015 ang Walang Forever nina Jennylyn at Jericho dahil cute na agad ang trailer nila.
‘Yung English Only Please na filmfest entry last year ni Jennylyn with Derek Ramsay ay nag-hit dahil maganda at mukhang na-master na ng film company ni Atty. Joji Alonso ang mga ganitong klase ng pelikula.
Ayaw nang lumamon Janice patikim-tikim na lang sa mga niluluto kaya pumayat na
Ang magkapatid na Janice at Gelli de Belen simula bukas sa Open Kitchen 3-Day Christmas Bazaar sa UP Town Center.
Magbebenta roon ang magkapatid ng mga pagkaing niluluto at bini-bake nila.
Sobrang sarap daw ng pecan tarts ni Gelli na isa sa mga ibebenta niya roon at si Janice naman ay may callos na master na master na raw niyang lutuin.
Marami pang delicacies ang ibebenta nina Janice at Gelli sa bazaar na ‘yon.
Tuwing Kapaskuhan din, paboritong iregalo ni Janice sa kanyang mga kaibigan ang kanyang mga niluluto at bini-bake na pagkain.
Oo nga pala, kung noon ay tumaba si Janice dahil obviously ay nilalantakan din niya ang mga pagkaing niluluto at bini-bake, ngayon naman ay marami na ang nakapansin sa malaking ipinayat niya.
Mukhang patikim-tikim na lang si Janice sa mga pagkaing master na master na niyang iluto at i-bake.
Not-so-young actress nabuntis daw ng singer/actor na bf na tagakabilang network
Sa isang birthday party, naitsika ng isang TV network executive na buntis na ang isa nilang talent na nang magsimula sa kanila ay teen star pa lang.
Ang tsika ng TV network executive, ang boyfriend daw ng not-so-young actress na isang singer/actor at nasa kabilang TV network naman ang nakabuntis dito.
Ikinuwento pa nga ni TV network executive sa harapan ng aktor na dating ka-loveteam ng not-so-young actress ang tungkol sa pagbubuntis nito.
Natuwa pa nga ang dating ka-loveteam ni not-so-young actress na buntis na pala ito.
Pero ang nakakapagtaka, almost two months na nang magkuwento si TV network executive tungkol sa pagbubuntis ni not-so-young actress, pero hindi pa rin lumalabas ang kuwentong ‘yon.
Kahit ang boyfriend ni not-so-young actress ay walang ganoong ikinukuwento.
Inililihim lang kaya nila ang tungkol doon o mali lang ng kuwento ang TV network executive?