Lovi nagpapaka-emo sa Europe!
Bakasyon mode muna si Lovi Poe after ng GMA series niyang Beautiful Strangers.
Nasa Europe ang aktres na nagsawa na yata sa Japan, huh!
Ang nakakaintriga sa biyahe ngayon ni Lovi, pamilya ang kasama niya at hindi ang boyfriend na si Rocco Nacino unlike nu’ng nakaraang trips nila. Feeling tuloy ng nakaamoy ng biyahe ng Primera Aktresa, mending a broken heart ang drama ni Lovi sa Europa!
Kapwa kasi tikom ang bibig nina Lovi at Rocco sa tsismis na hiwalay na sila. Ang pangit kasi ng sinasabing dahilan ng break up nila kung totoo, huh!
Ay, malamig ang Pasko ngayon sa dalawa kung totoo ang tsismis kahit next week ang balik ni Lovi, huh!
James tumatanggi na sa mga tukso
Bumalik sa poder ni Leo Dominguez ang aktor na si James Blanco.
Wala namang mabigat na rason ang aktor sa pag-alis sa dating manager. Basta ayon sa kanya, gusto niya ang style ng management ni Leo.
Nasa cast ngayon ng MariMar si James bilang Rodolfo.
Siya ang makakalaban ni Tom Rodriguez sa pag-ibig kay Megan Young. Eh kahit may mga anak na si James, guwapito pa rin ang dating niya. No wonder, may tukso pa ring umaaligid sa kanya.
“Napaka-ipokrito ko kung sasabihin kong walang nagpaparamdam sa akin. Siyempre, kahit anong edad natin, may dumarating na nagpaparamdam.
“Siyempre with the help of my kids and my wife, siyempre sa tulong na rin ng Mahal na Panginoon, kailangan nating i-resist ‘yon eh. Kailangan na nating iwasan.
“May malalaki na akong anak eh. May isip na sila. Siguro, sa edad kong ito, it’s about time na lumayo na tayo sa temtasyon eh. Ang hirap eh. Mahirap mawalan ng pamilya eh!” saad ni James nang makausap ng ilang press.
Hindi raw kasi mahilig gumimik si James. Kaya kasama niya ang asawa’t anak kapag lumalabas siya.
Sa mga anak, ‘yung panganay ang gustong mag-artista habang ‘yung second child ay lumalabas sa teatro.
“In-explain ko sa kanila na ang pag-aartista, hindi biro eh. Passion ito. Hindi siya ito ‘yung bread and butter. Kailangang seryosohin. Dapat mag-aral muna sila. Wala namang problema sa akin kung gusto nilang mag-artista,” rason niya.
Isinama niya minsan ang panganay sa taping. Doon nakita ng anak ang hirap ng trabaho ng tatay nila.
- Latest