Umiral na naman ang panliliit ng isang network/movie company sa entertainment press. May bagong patakaran na naman sila pagdating ng attendance sa presscon, huh!
Siyempre, marami ang tumaas ng kilay sa laman ng text na ‘yon na ipinarating sa emissary nila komo wala silang tapang magsabi sa harap ng press ng gusto nilang sundin ng press.
Eh, akala naman ng network/film company na ito, atat na atat ang lahat dumalo sa presscons nila, ‘no?
Madalas, ang daming bawal itanong sa artista nila. Palibhasa, may mga nabobola pa silang mga tao na nagtitiis kahit na minamaliit ang tingin sa kanila!
To think na kung mag-press release sila ng kinita ng movies ay wagas na wagas pero ni wala man lang pasasalamat sa entertainment press!
Naku, digital na ang karma ngayon! Sey tuloy ng ilang press na nakatanggap ng text, “Nabuhay naman ako sa showbiz na wala sila, ‘no?
Kapalit ng paghawak sa cyber libel Atty. Lorna Kapunan, tinuturuang ngumiti ni Liz Uy
Suportado si Atty. Lorna Kapunan ng mga artistang tinutulungan niya sa kaso nila. Ilan diyan si Nora Aunor na todo ang suporta sa kandidatura niya bilang senador.
Aminado si Atty. Kapunan na starstruck siya kay Nora Aunor nang magkaharap sila. May kaugnayan ito sa demanda ni Nora sa isang Japanese company na umopera sa lalamunan niya. Hindi pa nga raw itong masyadong umuusad ayon sa lawyer.
Natanong si Atty. Lorna kung makakatulong ba sa campaign niya si Ate Guy para manalo?
“It doesn’t matter. Ang importante, sumusuporta siya. Mahalaga na rin ang isang boto!” rason ni Atty. Kapunan sa inihandog na early Christmas treat sa entertainment press.
Sa partido nina Sen. Grace Poe at Sen. Chiz Escudero ng abogada. Aware rin siya sa nangyaring disqualification ng Comelec sa candidacy ng senadora.
“Malayo pa ang mararating niya. Baka kampanya na eh hindi pa tapos ‘yon. Ang maganda kay Grace, hindi siya pinanghihinaan ng loob. We continue to support her,” bulalas pa ni Atty. Kapunan.
Ang latest high profile case na hinahawakan ng abogada ngayon ay ang isinampa ng stylist na si Liz Uy laban sa blogger na kilala bilang Fashion Pulis. Naging interesado siya dahil may kinalaman ito sa libel under the Cyber Crime Law.
Nang hawakan niya ang reklamo ni Uy, ang unang tinuro nito kay Atty. Kapunan ay ang tamang pag-smile.
Madalang daw kasi siyang ngumiti sa picture pero sa tarpaulin niya, nakangiti siya dahil iniisip niya that time ang kanyang mga apo, huh!
Dingdong nagparamdam sa pa-party ng PPL
Tanging si Dingdong Dantes lamang ang wala sa artists ng PPL Entertainment, Inc. nang maghandog ang kumpanya ng Christmas party kasama ang entertainment press last Dec. 1 sa Bella Ibarra.
Nagpahatid naman ng mensaheng pasasalamat si Dong na kasalukuyang nasa Paris, France para dumalo sa isang climate change convention.
Gayunpaman, naging game naman ang iba pang artists ni Perry Lansingan pagdating sa parlor games kasama ang press gaya nina Jaclyn Jose, Sunshine Dizon, LJ Reyes, Max Collins, Jolina Magdangal, Rochelle Pangilinan, ang singer na si Maya at ang male artists led by Gabby Eigenmann, Wendell Ramos, Arthur Solinap, Carlo Gonzales, Carl Guevarra, Migs Jaleco at rapper na si Gloc 9.