MANILA, Philippines – Nagsanib-pwersa ang TV5 at and Waze, and pangunahing serbisyo sa ngayon na nangangalaga sa sitwasyon ng trapik, upang mas mabilis at epektibo pang maihatid sa lahat ng mga drayber ang mga sariwang balita patungkol sa matinding trapik at paano ito maiiwasan sa ating mga pangunahing kalsada sa bansa, lalo na sa Metro Manila. Ang Waze ay isang aplikasyon na maaaring i-download sa ating mga smartphones o sa alin mang laptop computer o computer notebook. Ngunit higit sa lahat, dahil na rin sa serbisyo publiko na pinasimulan ng TV5 at Waze, maari na rin ninyong malaman and mga napapanahong balita patungkol sa trapik sa pamamagitan ng telebisyon o radyo maging sa social media ng TV5.
Malaki ang benepisyo ng impormasyon na nanggagaling sa Waze sa kadahilanan na nakalaerto ang sinumang drayber na sumusunod sa Waze kung saan may mabagal na usad ang sasakyan, saan may sakuna o aberya sa kalsada at mga alternatibo o daanan upang makaiwas ka sa mga ito. Madali ng makakakuha ng impromasyon sa Waze dahil ito ay nasa telebisyon at radyo na sa tulong ng programang Aksyon sa Umaga at Aksyon Prime sa TV5 ay maibabalita ang aktwal na sitwasyon ng trapiko lalo na dito sa Metro Manila. Nagbibigay tulong rin ang Waze sa mga motorista patungkol sa pinaka-murang presyo ng gasolina, lakas ng bagyo o saan may baha, at pinakamabilis na ruta para iwas trapiko sa inyong paglalakbay.
Isa pang dahilan kung bakit mas madali ngayon ang Waze sa TV5 ay and paggamit ng TV5 nang pinakabagong bersyon ng Waze o ng Waze 4.0 na maari kayong makibahagi sa mga manonood kung ano ang sitwasyon ng lansangan sa pamamagitan ng pagpapadala lamang ng litrato o video. Naging posible ang tambalang ito ng TV5 at Waze dahil na rin sa pakikipagtulungan ng Voyager Innovations. Sinabi ng pangulo at CEO ng TV5 na si Emmanuel C. Lorenzana na, “Naniniwala ako na ang pakikipatulungan nating lahat ang susi upang mabigyang solusyon ang mga problemang kinakaharap ng bansa, katulad ng trapik. Ang TV5 ay nakikiisa sa sambayanan upang sama-sama nating harapin ang mga problemang humamadlang sa ating paglago bilang isang bansa.”
Para naman kay Orlando B. Vea, Presidente at CEO ng Voyager, “Ang teknolohiyang ito na makatutulong sa mga Pilipino upang mabigyang solusyon and lumalalang trapik sa bansa ay halimbawa ng galing at talino ng mga Pilipino dahil ito ay galing rin sa atin. Hangad namin sa Voyager na patuloy nating pausbungin ang information technology (IT) at gamitin ito para sa kagalingan ng ating mga mamamayan dahil dulot nito ay mga praktikal at agarang solusyon sa maraming problema sa ating lipunan, katulad na rin ng lumalalang trapik sa ating mga lungsod.”