Doble ang pressure kay Felix Roco na bukod sa ikinukumpara ito sa amang award-winning actor na si Bembol Roco ay automatic din siyang inihahalintulad sa kambal nitong si Dominic Roco.
Si Dominic kasi ay mas palangiti, masayahin, approachable, at isa ring magaling na aktor. Samantalang si Felix ay seryoso at mahiyain.
Pati pangangatawan ay pinagkukumpara ang dalawang kambal dahil mas maganda ang body built ni Felix na normal daw sa kanya kahit hindi ito mag-gym at lumalantak ng pagkain. Kaysa sa kapatid na si Dom na madalas ay mukhang mataba pero hindi ito nagpapahuli sa pagsasabing mas guwapo at habulin siya kay Felix.
Nasanay na si Felix na ikumpara kina Bembol at Dom na laging malaki ang expectation pagdating sa pag-arte.
Mabuti na lang at hindi rin nagpapahuli si Felix sa tatay at kakambal niyang si Dom dahil tulad nila ay isa rin siyang best actor sa movie nitong Engkuwentro sa Cinema One Originals.
Ngayon ay may bago na naman siyang movie na panlaban sa Cinema One at kasama rin siya sa pelikulang Angela Markado na palabas na ngayong araw sa mga sinehan.
Mabuti na lang at magagandang role ang ibinibigay sa kanya tulad nga ng bago niyang movie na Angela Markado sa direksyon ni Carlo J. Caparas na siya ring writer ng pelikula.
Kakaiba naman si Felix, kung ang ibang aktor ay naghahangad ng award, siya naman ay hindi after na manalo sa kahit anong award-giving bodies dahil para sa kanya, isang material na bagay lang daw ang award.
Bale ba, isa si Felix sa magpapahirap kay Andi Eigenmann sa movie na sinasabi rin ni Direk Carlo na mas madugo, na talaga raw walang puso sa kanilang torture scene sa aktres, kumpara sa original movie ng Angela Markado na ginampanan ni Hilda Koronel na idinirek ng nasirang Lino Brocka.
Star City, may annex na
Higit na pinalawak ang Star City sa pagbubukas ng open-air annex nito kung saan matatagpuan ang iba’t ibang rides para sa mga bata.
Bagaman at kilala ang Star City bilang natatatanging all-weather theme park sa bansa, ang pagbubukas ng annex nito sa labas ay higit na kalulugdan ng mga bisita, lalo na sa gustong sakyan ang Kiddie Wheel, Quack Quack, Tornado, Star Frisbee, at maglaro sa inflatable Fun City.
Sa mga bagong rides, tampok sa Road Race ang mga sasakyang pangarera na umiikot at nagpa-pop pataas-pababa.
Ang mini-pirate ship naman ay waring bangkang Viking sa pag-swing mula kaliwa hanggang kanan sa maximum na anggulong 60 degrees, kung saan pakiramdam ng sumakay ay waring nawalan ng timbang.
At ang Italian-made Music Express ay hawig sa Caterpillar ride, subali’t umaatras-abante ito ng pabilis nang pabilis.
Para sa dagdag na kaalaman, makipag-ugnayan sa Star City sa mga numerong 832-324 or 333-3578.