Dingdong emosyonal sa pang-iiwan kina Marian at Baby Zia

Touching ang post ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa Instagram niya kahapon na: “My daughter is 7 days, 20 hours old now.  I really should not have left her or her mother but I am here, speaking for her #NowPH”

Nasa Paris, France si Dingdong, kasama siya sa delegation ni PNoy, para sa Climate Vulnerable Forum, as Commissioner-At-Large ng National Youth Commission (NYC), anuman ang pagiging result ng forum, mapapakinabangan ito ng mga tao, at kasama raw doon ang anak nila ni Ma­rian Rivera na si Baby Letizia, kahit medyo delikado sa Paris, dahil sa kaguluhang nangyayari doon.  Maa­ring today, nakabalik na sa bansa si Dingdong.

Andi puring-puri sa Angela

Opening day na ngayon ng Angela Markado ni Andi Eigenmann at ng limang ra­pists niya, sina Epi Quizon, Paolo Contis, Polo Ravales, Felix Roco at CJ Caparas, sa direksyon ni Carlo J. Caparas na siya ring sumulat ng story in theatres nationwide.

Puring-puri ni Direk Carlo ang husay sa pagganap ni Andi na tiniis daw lahat ng hirap sa mga eksenang ni-rape siya ng limang lalaki. Produced ito ng Oro de Siete Films at release sa Viva Films.

Historically correct story daw ni Aguinaldo, ibinalik sa ilang sinehan

Kasabay ding mapapanood simula ngayong Wednesday ang General Emilio Aguinaldo: The First President, na sinasabing ito ang historically correct story ng buhay niya, mula sa fourteen years of extensive research, na magpapakita ng factual events in Philippine history.  Grade A ang ibinigay sa mo­vie ng Cinema Evaluation Board (CEB) at Parental Gui­dance naman mula sa MTRCB. Sa mga manonood na students and teachers na magpi-present ng kanilang school ID, may 50% discount sila.  Mapapanood lamang ito exclusively sa mga SM Cinemas.

Alden nag-shooting pa rin kahit may sakit na

Kahit may sakit at inuubo si Alden Ri­chards, masaya pa rin sila sa last shooting day ng My Bebe Love last Monday, November 30.

Kumpleto ang cast, Vic Sotto, Ai Ai delas Alas, at ang phenomenal love team nila ni Maine Mendoza para sa coming Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimula na sa December 25.

Kaya naman nagsimula nang mag-count down ang AlDub Nation para sa darating na opening ng movie na sinulat at dinirek ni Jose Javier Reyes.

Based sa post nila sa Instagram, supported ng buong Dabarkads ng Eat Bulaga ang movie at naroon sila sa finale.

Aware din ang AlDub Nation kung anu-ano ang makakalabang pelikula sa festival tulad ng action movie na Honor Thy Father, horror movie-comedy na Buy Now Die Later, horror films na Nilalang at Haunted Mansion, comedy film na Beauty & The Bestie, ang romantic-co­medy movie na Walang Forever at All You Need Is Pag-ibig.

Basta ang panawagan nila sa mga kapwa AlDub Nation, susuportahan nila ang unang pelikula nina Alden at Maine na produce ng M-Zet Productions, Octo Arts Films, APT Entertainment, Meda Productions at GMA Films.

Matagal daw nilang hinintay ang movie kaya hindi nila ito pababayaan.

Show comments