Gabby Concepcion takot tumanda!

Pumayag daw si Carla Abellana na maka-partner si Gabby Concepcion eh kasing tanda na iyon ng tatay niya.

Kung sabagay totoo naman na ang tatay at nanay niya ay halos kasabay na ikinasal nina Sharon Cuneta at Gabby noon. Iyong ate rin ni Carla, talagang sabay ng araw na ipinanganak ni KC Concepcion.

Pero napanood namin iyong initial telecast ng Because of You, mukhang ok naman.

Nakita rin namin ang trailer ng serye na naka-upload na sa internet, hindi naman kasi mukhang ganoon ang edad ni Gabby.

Sinasabi nga ni Carla mismo na mukhang hindi tumanda si Gabby.

Kung titingnan mo, malaki ang kaibahan ng hitsura ni Gabby kaysa doon sa mga mas bata pa sa kanya. Pero sinabi sa amin mismo ni Gabby na mahirap din naman ang mag-maintain ng ganoong hitsura.

“Kailangan talaga diet. Kailangan talaga exercise. Hindi ko puwedeng pabayaan iyan eh dahil bilang isang artista, alam kong kailangan ayos ang hitsura ko. Hindi puwede iyong pababayaan mo ang sarili mo kahit na ano na lang at sasabihin mo sikat naman ako. Matatanggap ako ng fans ano man ang hitsura ko. Papaano kung hindi? Kaya kailangan talaga sikapin na laging ok ang hitsura mo,” sabi sa amin ni Gabby.

Totoo iyon. Minsan masasabi mo ngang medyo disgusting kasi iyong ibang mga artista na mahuhusay naman, at sumikat naman, nawalan ng chances dahil lamang pinabayaan ang kanilang sarili.

Alam naman nila kung ganoon na ang kanilang histura, may mga roles na hindi na nila magagawa.

Sabihin na nating may mga edad na sila para sa mga ganoong roles. Pero marami pang pagkakataon ang mawawala dahil sa kanilang pagpapabaya. At saka kung iisipin ninyo, hindi lang si Gabby Concepcion. Si Richard Gomez din naman nakakagawa pa ng mga leading men roles, kasi nga nasa porma pa.

Sam kailangan lang ng konting push

Hindi kami karaniwang nanonood ng indie films, inaamin namin iyan.

Pero sa marami namang mga pelikulang indie nitong mga nakaraang araw na mahusay ang pagkakagawa, pinanood namin ang ilan sa kanila.

Noong isang gabi nakumbida kaming panoorin iyong indie film na Makata. Pinuntahan namin dahil ang director noon na si Dave Cecilio ay kaibigan namin matagal na panahon na.

Kung ang hinahanap ninyo diyan sa pelikulang Makata ay iyong traditional na tulaan, hindi iyon ang makikita ninyo.

Kasi ang ipinakikilala rito ay ang mga bagong makata. Iyong ang ginagamit ay freestyle, kung ano maisip iyon ang binibigkas. Hindi na isinusulat kagaya ng dati.

Hindi na sila naglalaban sa isang Balagtasan, ang tawag nila ngayon ay “rap battle”. Kung sabihin nila ay hindi na tula kung di “rap”. Iyang rap ay hindi likas na Pilipino. Kung tawagin iyan ay “ghetto music” dahil iyan ay nagsimula sa mga black Americans na nasa mga “ghetto” o iyong slums sa kanila.

Sumikat iyang ganyang uri ng musika simula noong dekada 70, at kasabay niyan ay nagkaroon din ng tinatawag na “ghetto art” ang pagpipinta ng mga pigura hindi na sa canvass kung ‘di sa mga pader. Iyan nga ang sinasabi nilang “poor man’s art”.

Maganda naman ang sinasabi ng pelikula. Palagay namin maiintindihan naman ng mga estudyante na siyang talagang market noon. In fact, ipalalabas nila iyan sa mga iskuwelahan at hindi sa mga sinehan agad. At napansin namin, mahusay palang actor iyong si Sam Concepcion. Siguro kung itutuloy lang niya ang acting niya, may mararating ang batang iyan.

Show comments