MANILA, Philippines - Nagkita kami ni Barbara Milano sa New World Makati at nagkakwentuhan.
Nami-miss daw niya ang showbiz.
Hinahanap niya ang init ng klieg light at ingay sa paligid kapag nakakausap ang mga taga-showbiz.
Inamin ni Barang na masaya ang buhay niya ngayon. Inaalok nga muli siya na tumakbong konsehala sa Talavera, Nueva Ecija.
Pinag-iisipan daw muna niya itong mabuti dahil malaki ang nagastos niya noon.
Sa awa ng Diyos ay nakaraos sila sa pagbaha noong nakaraang bagyong Lando.
Bumisita nga si PNoy sa Cabanatuan, pero hindi raw niya ito nakita. Kung bakit na-mention si PNoy, matagal din silang naging magkaibigan ng Presidente. Almost seven months din.
Mabait daw si PNoy at matalino. Kapartido siya ni Barang sa kinaaniban sa Nueva Ecija.
Tinulungan ba siya noong kumandidato ito sa pagkakonsehala sa ikalawang termino? Sayang hindi namin nadinig ang sagot ni Barang, dahil biglang may nag-phone call sa actress.
Kris pinasikat ang mga Filipiniana
In fairness kay Kris Aquino, inirampa niya ang kagandahan ng mga Filipiniana dress sa mga panauhing Presidente ng iba’t ibang bansa noong APEC Summit.
Doon sa mga nagrereklamong naperhuwisyo ng APEC Summit, don’t worry po, baka twenty years na ito bago maulit uli kaya tiyak ay wala na kayo.
Kung hindi nga nagkaroon ng APEC Summit, baka nakuha na ng mga Intsik ang West Philippine Sea. Mabuti at naririyan si Barack Obama, U.S. President na sugo ng Diyos para sagipin mga nabu-bully na Pilipino. Dapat ngang magpasalamat kayo sa APEC Summit, hindi ‘yung araw-araw ‘yun ang topic sa radio at dyaryo, nakakasawa sa totoo lang.
Fans ng Kathniel, hindi pa yata mga botante
Makatulong kaya kay Presidential bet Mar Roxas ang pag-endorse ng tambalang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo gayung hindi pa naman yata mga botante ang mga tagahanga nila?