Sabay pa talagang ibabalik sa sinehan ang mga pelikulang Bonifacio Unang Pangulo ni Robin Padilla at Heneral Aguinaldo ni ER Ejercito.
Kapwa ito ipinalabas sa Metro Manila Film Festival pero hindi masyadong pinalad sa takilya, huh!
‘Yun nga lang, magkaiba ang kuwento ng dalawang movies pagdating kay Aguinaldo. Bayani ang dating presidente ng bansa sa movie ni ER pero sa pelikula ni Robin, kontrabida siya’t nagpapatay diumano kay Bonifacio.
Umaasa siyempre ang producers ng dalawang movie na tatangkilikin na ng publiko ang proyekto upang magkaroon ng kaliwanagan tungkol kay Aguinaldo.
Eh, tumipak sa takilya ang historical movie na Heneral Luna na may parte rin si Aguinaldo.
Siyempre, kahit ipalabas muli, may gastos pa rin ang producers lalo na sa renta sa sinehan, huh!
Paolo, Antonio at Boy 2, puro kabaliwan ang ginawang music video
Bumuo ng grupo ang magkakaibigang Paolo Contis, Antonio Aquitania at Boy 2 Quizon, ang PARD.
Sila ang performers ng kabaliwang music videos na napapanood sa Bubble Gang.
Bukod sa GMA 7 gag show, napapanood din sa Facebook at YouTube channel ang videos ng tatlo.
In fairness, bentang-benta ito sa netizens, huh!
Ang resulta, isang record company ang nagkagusto sa videos na ginawa ng PARD. Kaya naman may mga bagong pang ideas na gustong gawin si Boy 2. Ilalabas ang compilation nito sa mga susunod na Linggo.
Naku, sa music video lang kaya may kabaliwan sina Paolo, Antonio at Boy 2? Hehehe!
Iñigo hindi na ipapareha kay Julia?!
Ay, lumabas na ang trailer ng drama series ni Julia Barretto, huh! Tuloy naman pala ito!
Naglabasan kasi noon ang balitang na-shelved ang drama series. Kaya marami ang nagulat nang may announcement sa social media na ilalabas na ang trailer.
‘Yun nga lang, sa poster materials ng series, hindi na solo ni Julia ang pagiging bida, huh!
Present na ang mukha ni Miles Ocampo at dalawang senior actresses.
Pero wala kaming nakitang picture ni Iñigo Pascual sa poster na inirereto kay Julia dahil semplang ang tambalan nila ni Enrique Gil, huh!
Hangga’t nag-iingay si Dennis Padilla, ama ni Julia, tungkol sa anak, mahihirapang paangatin ng Kapamilya network ang anak ni Marjorie Barretto, huh!
Male singer nakukulangan sa suporta ng kanyang network
Umaangal na raw ang isang young male singer sa network na dumiskubre sa kanya. Nagawa mang paingayin ng network ang pangalan niya, hindi naman ito nagtuluy-tuloy, huh!
Eh, magaling namang kumanta ang singer. May international awards pa siya. Sad to say, waley rin itong silbi.
So nagtatanung-tanong na ang magulang ng singer sa ibang kaibigan kung may kakilala sa ibang networks upang makalayas na sa network na kumuha sa kanila.
Bagay pa naman sa network ang singer dahil may kalambutan din ito, huh!