Maikli lang ang naging sagot ng PBA star na si James Yap sa tanong ng isang netizen sa kanya tungkol sa napakahabang litanya ng dati niyang asawang si Kris Aquino sa hindi raw niya pagpansin sa invitation noon na magpakita naman siya sa first communion ng kanilang anak na si Bimby. Ang maikling sagot lang ni James ay “nag-reply na po ako, noon pa”.
Si James ang muling napagbalingan ni Kris sa kanyang Instagram account dahil hindi raw pinapansin ang kanyang invitation na magpunta man lang sa first communion ng kanilang anak. Naglabas pa siya ng pictures noong rehearsals daw ng ceremony, at pati na iyong confession day na ginawa sa school, pero sinabi niyang hindi niya malaman kung bakit tila walang pakialam si James.
Inulit niyang noong humingi sila ng annulment ng kanilang kasal, pumayag siya sa lahat ng visitation rites para madalaw ni James ang kanyang anak, pero hindi raw naman ng basketbolista ginagawa. Pero ang tanda namin, may panahon pa ngang humingi si Kris sa korte ng permanent protection order para hindi siya malapitan ni James, pati na rin ang yaya at driver ni Bimby, na technically ang ibig sabihin ay hindi malalapitan ni James ang kanyang anak.
Inulit na naman ni Kris na noong maghiwalay sila, malaki diumano ang natangay ni James sa kanyang kayamanan na dapat sana ay sa mga anak na niya. Kasi natural na maghatian ng conjugal properties. Sinabi pa niya sa kanyang post na hindi nagsusustento si James sa kanilang anak, kahit na pang-tuition sa iskuwela.
Ang mas masakit pa, matapos na magdadaldal si Kris sa social media, at saka niya nalaman na may reply nga pala si James sa kanya na hindi lang niya na-receive. Nag-attend pa si James ng first communion ni Bimby.
Dapat nga sigurong ma-realize na ni Kris na hindi maganda iyong lagi siyang nakikipagtungayawan sa social media, lalo’t hindi siya sigurado. Siya ang mas lalong sumasama ang image, at nagkataong bukod sa pagiging artista, presidential sister pa naman siya.
Ian at Jodi mas sinusubaybayan na, hindi raw pagpapabayad kina Daniel at Kathryn ‘di pinaniniwalaan
Ngayon maliwanag na sa amin ang totoo, ang talaga palang hinihintay ng mga taong mapanood sa isang serye ay ang mga eksena nina Ian Veneracion at Jodi Santa Maria. Hinahanap nila sina Eduardo at Amor Powers. Mukhang isa iyon sa naging dahilan kung bakit parang dinagukan ang kanilang serye sa ratings. Nasabayan pa nga iyon ng unpopular political endorsement ng kanilang mga bida. Mukhang asar ang mga tao sa mga artistang gumagawa ng political endorsements “for whatever reasons”.
Sinabi nga ng isang kilalang political analyst sa interview sa kanya ng TV5, “wise na ang mga tao ngayon at hindi na nadadala sa ganyan”, at saka maniniwala ka ba namang walang monetary considerations ang mga ganoong klase endorsements? Humanap ka ng isang promdi at doon ka magkuwento kung gusto mo.
Ewan kung ano nga ang kanilang magagawa. Siguro, mas maganda pa kung gumawa na lang sila ng mga flashback ng mga eksena nina Eduardo at Amor Powers para sila mapansin ulit at muling tumaas ang kanilang ratings. Pero kailangang mag-ingat din si Amor, dahil baka sooner or later ay may iendorso rin siyang mga kandidato, maaapektuhan din naman siya.