^

Pang Movies

Francis M. may go signal sa paglipat ni Elmo sa Kapamilya!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Isa nang Kapa­milya si Elmo Ma­galona. Humarap siya sa isang press conference/media announcement kahapon sa 9501 Restaurant, ELJ Building ng ABS-CBN matapos siyang pumirma ng kontrata sa Star Magic.

Sa presscon ay nilinaw ni Elmo na hindi dahil sa pinabayaan siya ng GMA 7 kaya siya lumipat sa ABS-CBN. Five years daw siya sa Kapuso at dito siya nagsimula and grateful daw siya sa lahat ng ibi­nigay ng network sa kanya.

Tapos na raw ang kontrata niya sa GMA 7 nang dumating ang offer ng Kapamilya. Aminado siyang hindi naging madali ang desisyon para sa kanila ng inang si Pia Magalona na tumatayo ring manager niya.

Ayon pa kay Elmo, nagbigay din daw ng senyales ang yumao niyang ama na si Francis Magalona kaya aniya, naging part din daw ito ng kanilang pagdedesisyon.

When asked kung paano nagparamdam ang kanyang ama, medyo nahihiya pa si Elmo na ikuwento ito.

“Basta sometimes kasi, I feel like si Papa, ‘yung spirit niya, he’s still with me or with our family, so nagpapakita siya or bumibisita siya sa amin. And this month or just last month, parang everytime na nanonood ako ng TV, lagi kong nakikita ‘yung mo­vies niya. Hindi ko sinasadya na panoorin like alam ko ang schedule, pero as in sakto, like when I watch TV, he’s there, mga movies niyang Bagets to Ninja Kids, lahat, I always see him,” kwento ni Elmo.

Hindi naman sa parang sign ito pero naaalala raw niya kasi si Papa niya noong buhay pa na la­ging gustong mag-try ng mga new things. Marunong daw itong magsayaw, mag-rap, kumanta, magluto, got into filming, photography and more kaya gusto rin daw niya itong gayahin.

Ang first project ni Elmo sa Kapamilya ay ang Born For You drama series with Janella Salvador under Dreamscape Entertainment na malapit na nilang simulan.

Kasama rin sa presscon si Janella at pareho silang excited na sa project.

Isko nagsalita sa ginawa ni Kris kaya ‘di nakasama sa LP

Tumatakbong Senador si Manila Vice Mayor Isko Moreno sa 2016 elections sa ilalim ng partido nina Grace Poe and Chiz Escudero pero napabalita noong kinunsi­dera rin siya sa listahan ng partido ni Jejomar Binay at ng Liberal Party ng admi­nistrasyon kung saan ay si Mar Roxas nga ang tumatakbong Presidente.

Sa thanksgiving lunch ni Isko kahapon para sa entertainment press ay na­itanong sa kanya ang tungkol dito at aniya ay nagpapasalamat daw siya na na-consider siya ng dalawang partido.

“Well, I’m grateful sa dalawang malaking par­tido – sa partido na itinatag ni Vice President Binay. Sila’y may sariling NECO, National Executive Committee. ‘Yun ang namimili. It just so happened na hindi tayo nakasama sa short list,” he said.

Sa Liberal Party naman daw ay nasama siya sa long list pero sa Final 12 ay hindi na raw siya nakasama.

“But I’m grateful to them, I’m honored and grateful, sino ba naman ako para laging mabanggit or masama. But I’m happy with Sen. Grace Poe,” say niya.

Natanong kay Isko kung totoo bang nagkaroon sila ng issue ni Kris Aquino. May balita kasing ang Queen of All Media raw ang dahilan kung bakit hindi ito napasama sa list ng LP.

“Wala naman,” sey ni Isko. “Well, actually, wala akong narinig na sinabi niya, honestly. Wala talaga. Any article, directly sinasabi niya, wala. In fairness to Miss Kris Aquino,” paglilinaw pa niya.

When asked kung bakit hindi muna Mayor ng Maynila ang kanyang tinakbo at dumiretso na siya sa Senado, say niya ay maganda raw ang pamumunong ginagawa ni Mayor Joseph Estrada sa Maynila dahil nakabangon daw ang lungsod simula nang maging alkalde ito.

“Eh bata pa naman ako at ma­rami pang panahon para makapag­lingkod sa ibang pamamaraan,” he said.

James hindi inindyan ang mga text ni Kris

May bagong post si Kris Aquino sa kanyang Instagram account kahapon tungkol sa issue nila ni James Yap na nagsimula nga nang mag-post siya ng kanyang hinaing last Wednesday sa hindi pagsagot ng basketbolista sa kanyang text regarding their son, Bimby’s first communion.

Sa nasabing bagong post ay ikinuwento ni Kris na nagkausap na sila ni James at nagkaliwanagan tungkol sa text message na pinag-ugatan ng problema.

The TRUE STORY: nagkausap kami ni James, and I showed him my phone w/ no reply, and he showed me his where he replied- October 31 after I sent my 2nd text. It could be that I am using an iPhone & his was Samsung. I was using iMessage, my roaming was on but I turned off data roaming on that phone and relied on wifi. I checked my messages in settings & SEND AS SMS was ON. The text invitation was sent Oct 31 while we were in Hawaii... It is hard to be an ex couple, but for the love of a child, we just have to set aside differences & work on mutual respect. Patience & Effort lang talaga,” ang post ni Kris.

So, ‘yun naman pala. Nag-reply naman pala si James at hindi niya lang natanggap.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

ELMO

HINDI

LEFT

NIYA

QUOT

SHY

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with