^

Pang Movies

Kahit pa raw Lino Brocka ang orig Carlo J. kakaiba ang ginawa sa Angela ni Andi

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Inamin ni Direk Carlo J.Caparas na mahirap gumawa ng isang pelikulang remake, dahil tiyak na may mga nakapanood pa rin ng naunang pelikula kahit na sabihin mo ngang ilang taon na rin naman ang nakaraan simula noon, at natural na maikumpara sa bagong pelikula sa original.

Pero sinasabi naman niya na pinaniniwalaan niyang ang kanyang bersiyon ng Angela Markado na isang remake ng naunang pelikulang ginawa ni Lino Brocka ay magugustuhan ng masa.

Ang malaking advantage ayon sa director, siya ang orihinal na sumulat ng istor­ya at maikukuwento niya nang mas malapit sa orihinal ang istorya noon.

Talaga namang minsan ay nangyayaring ang isang kuwentong isinulat para sa komiks ay nagkakaroon ng pagbabago basta isinalin na sa pelikula.

Nangyayari rin naman na ang isang kuwento ay nababago sa pelikula at kung minsan naiiba ang pananaw ng direktor kaysa sa original author ng istorya.

Kaya nga ang sinasabi ni Direk Carlo, ngayon ay sigurado siyang kung ano iyong original na istorya, iyon ang kanyang ginawa.

Isa pa, noong panahong unang ginawa ang Angela Markado, may mga eksenang nasa original story na hindi maaaring gawin sa pelikula. Umiiral pa noon ang RA. 3060, o iyong pelikulang nagtatakda ng sensura sa pelikula. Ngayon wala na ngang Board of Censors, at pinalitan na ng MTRCB na ang ginagawa lamang ay naglalagay ng ratings sa halip na nagpuputol ng pelikula, mas naging malaya siyang ipakita kung ano ang dapat na mapanood sa pelikula. Dahil ang MTRCB nga raw ngayon ay may mga kasaping galing sa industriya kaya mas naiintindihan nila kung bakit may mga delikadong eksena.

Hindi naman ikinaila ni Direk Carlo na ang Angela Markado ay tungkol sa rape, at pagkatapos ay ang ginawang paghihinganti ng biktima. Kaya bukod sa sex, may violence rin namang makikita. Ganoon pa man, tiniyak niyang ang mga eksena naman niya ay nasa ayos. Hindi puwedeng maging bastos ang kanyang pelikula, dahil ang kanyang anak na si CJ ay artista rin doon at isa nga sa mga gumanap na rapist ni Andi Eigenmann.

Gabby at Richard, magkakasubukan uli

Isa na namang romcom ang lalabas sa darating na Lunes, ang Because of You na kung saan bida sina Carla Abellana, Rafael Rosell at si Gabby Concepcion.

Pero sinasabi ng iba na ang laban talaga ng bagong serye ay para kay Gabby dahil makakatapat nila ang serye naman ni Richard Gomez, na isa sa mga kalaban sa popularidad ni Gabby kung dekada 80.

Noong panahong iyon, sila nina Goma at Aga Muhlach ang pinakamalalaking leading men sa mga pelikulang love story.

Pero mukhang confident naman ang mga tao sa network na malaki ang laban ng kanilang bagong romcom. Una, kasi concentrated nga ang kanilang bida sa kanilang ginagawang serye, samantalang alam naman ng lahat na sooner or later, medyo magiging busy si Goma sa kanyang kampanya, at kung mananalo pa, hindi na nga siguro niya maitutuloy ang paggawa ng mga serye.

Ikalawa, sinasabi nilang kung mapapanood lamang ang serye, makikitang may kaibang chemistry sina Gabby at Carla Abellana.

Bukod pa nga sa napakalakas din ng kanilang support na kinabibilangan nina Kuh Ledesma at Celia Rodriguez.

Panonoorin namin ang seryeng iyan.

AGA MUHLACH

ANDI EIGENMANN

ANG

ANGELA MARKADO

CARLA ABELLANA

DIREK CARLO

KUNG

MGA

NAMAN

PELIKULA

PERO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->