MANILA, Philippines – Bilang bahagi ng misyon nitong ‘samahan’ at damayan ang mga Filipino sa kanilang paglalakbay sa ibang bansa, paglalapitin ng The Filipino Channel (TFC) ang mga overseas Filipinos (OFs) at kanilang mga Kapamilya sa Pilipinas sa isang virtual get-together sa Christmas offering nitong Kapamilya Reunion.
Sa pamamagitan lamang ng pagbahagi ng kanilang pinaka-memorable na Pasko sa Pilipinas kasama ang pamilya, maaari nang ma-enjoy ng mga OFs sa U.S.A., Canada, United Arab Emirates, United Kingdom, Japan, Australia, Hong Kong, Singapore, Korea, at Taiwan ang kanilang mga pamilya sa isang virtual reunion sa Kapamilya Reunion.
Simple lamang ang pagsali. Kailangan lang mag-register ng mga OFs na legal residents o contracted workers sa mga bansang ito sa facebook pages ng TFC sa mga bansa ring ito at tugunan ang linyang - “I-kuwento ang iyong most memorable ‘Paskong ‘Pinas with your family?”??
Ang mga sagot ay susuriin ayon sa kanilang uniqueness (50%) at over-all impact (50%). Maaaring dalhin ng winning participants (mula sa qualified participants) ang isa pa sa kanilang mahal sa buhay sa reunion sa December 6 kung saan makaka-chat nila ang kanilang pamilya sa December 6 sa Restaurant 9501 in Quezon City, Philippines.
Makakasama rin nila ang mga executives mula sa TFC at Kapamilya stars. At tulad ng isang reunion, may exchange gift na magaganap sa pagitan ng mga OFs at kanilang pamilya, hatid ng TFC at participating sponsors via balikbayan boxes.?