Hindi maituturing na stage father ang ama ni Alden Richards na si Mr. Richard Faulkerson, Sr. o mas kilala nilang si Daddy Bae.
Simula noong mag-artista si Alden noong 2010, never itong nakitang nagbibida o nakikipagyabangan sa mga katrabaho ng kanyang anak.
Ngayon at sumikat si Alden, hindi pa rin nababago ang kinaugalian ng kanyang ama na tahimik, low-profile at umiiwas na magpa-interview sa media.
Sa Twitter lang nakakausap ng mga AlDub fans si Daddy Bae.
Kada post ni Daddy Bae ay libu-libo ang mga nakukuha nitong retweets at likes.
Nitong nakaraang November 18 ay isang nakakatuwang message ang kanyang pinost. Kahit na mga letra lang ng names ang ginamit niya, halata namang sila Alden at Maine ang kanyang tinutukoy.
Heto ang kanyang pinost na message:
“Pag ako nainip ako na pupunta sa B sunduin ko si M dalhin ko dito sa L tapos EK sila ni A. Natawa tuloy ako mag-isa!”
Wish nga ni Daddy Bae na magkaroon ng alone time ang kanyang anak at si Maine. ‘Yung walang kamera na sumusunod sa kanila at mag-usap sila ng gusto nila na walang ibang mga taong nakakarinig.
Indie actress na si Althea Vega, waging Miss Great Bodies 2015
Nagwagi bilang Slimmers World Great Bodies 2015 ang indie actress na si Althea Vega.
Naganap ang grand finals ng Mr. and Ms. Great Bodies 2015 sa Resorts World Manila noong nakaraang Linggo.
Tinalo nga ni Althea ang 16 female contestants para sa titulong Ms. Great Bodies. Ang nanalo namang Mr. Great Bodies ay si Jan Dominic Hung.
Magkakaroon ng pagkakataon na i-represent ni Althea ang Pilipinas sa Fitness Universe Championship sa Miami, Florida.
Si Althea nga ang naging paborito sa naturang contest at siya ang nakakuha ng pinakamaraming votes sa Facebook page ng Slimmers World.
Nakilala nga si Althea sa mga indie films tulad ng Walang Kawala, Diablo, Bayang Magiliw, Amor Y Muerte, Of Sinners and Saints at Metro Manila.
Naging malaking hamon nga kay Althea ang pagsali niya sa body fitness contest na ito.
Taylor Swift big winner sa AMA
Si Taylor Swift pa rin ang tinanghal na big winner sa kakaganap lamang na American Music Awards 2015.
Nauwi ng pop superstar ang trophies for Song of the Year (Blank Space), Favorite Adult-Contemporary Artist at Favorite Pop-Rock Album of the Year (1989).
Nanalo naman ang boyfriend niyang si Calvin Harris bilang Favorite EDM Artist.
Nagwagi naman bilang Artist of the Year ay ang One Direction.
Marami naman ang naiyak sa pag-awit ni Celine Dion ng Hymne a l’Amour na sinulat ni Edith Piaf in 1949. Ito ang ginawang tribute ng AMA sa naganap na terrorist attack sa Paris, France.