Bagama’t may kasalukuyang ‘di pagkakaunawaan na namamagitan kina Andi Eigenmann at Albie Casino, willing si Andi na makatrabaho si Albie.
Kilala ngayon si Albie as Pambansang Bully, because of his role sa On The Wings of Love, co-starring him with James Reid and Nadine Lustre.
Andi naman gets what she claims her biggest break as an actress, the title role in Angela Markado, a production of Oro de Siete and Viva Films.
Onyok hindi napansin nang maging duwende
Bago pala na-feature si Simon Pineda, now kilala bilang ang batang si Onyok sa high rating series, Ang Probinsyano, nakalabas na siya sa series na Inday Bote, bilang isa sa mga dwendeng kaibigan ng mabait na si Inday na ginampanan ni Alex Gonzaga.
But obviously, dahil isa rin sa mga gumanap na dwende ang child actor na si Alonzo Muhlach sa series, medyo hindi napansin si Simon.
Pero, marunong dumiskarte si Simon. Dahil gusto niya talagang makalabas on TV, nag-audition siya for the role of Coco Martin’s batang sidekick sa Ang Probinsyano.
At heto pa kamo ang kuwento, bago pa man nakapag-audition pa ang ilang batang gusto rin gumanap ng role, nakuha na ito ni Simon.
And guess how?
Swerte raw si Simon na on the day he submitted to an audition, dumating si Coco.
Then and there, kinausap na niya ang binata at sinabi niya kay Coco na sa kanya na ibigay ang role na Onyok at pagbubutihan niya.
The rest is history.
And Simon, as Onyok, has no doubt, fulfilled his promise. Kahit daw si Susan Roces na gumaganap na Lola ni Coco as Cardo in Ang Probinsyano ay aliw na aliw sa kanya.
Hinuhulaang lalong magiging kapansin-pansin ang papel ni Simon bilang Onyok, dahil may ka-love team na siya sa Ang Probinsyano.
Si Zia Bernardo, na halos kasing edad niya. At pagkaganda-gandang bata.
John Lloyd swak ang pakiramdam kay Bea
Inamin ni John Lloyd Cruz na swak sila as a love team ni Bea Alonzo, because their films together are always tailor-made for them.
And he enjoys doing films with Bea, dahil tulad daw niya, dedicated din ang dalaga sa trabaho.
It has been three years since they last appeared together in the movie, The Mistress, which both won them awards sa ilang awards giving body. Kaya, maituturing na reunion of sorts nila as a tandem itong nalalapit nang ipalabas nilang movie, A Second Chance.
A sequel to one of their highly successful team-up, in term of box office and performance, One More Chance, hindi raw nila maiwasan ni Bea na hindi makaramdam ng kaba sa A Second Chance.
Eight years ago na nang ginawa nila ang One More Chance. At tulad nila, marami na ring pagbabagong nangyari sa mga nanood ng One More Chance.
Unang-una na sa panlasa ng mga pelikulang kanilang pinanonood. Kaya raw habang ginagawa ang A Second Chance, matindi ang effort na kanilang ginawa ni Bea, including their director, Cathy Garcia-Molina, who also directed One More Chance, na maging “very now” ang tema nito.
“And it looks like, masisiyahan sila,” ani John Lloyd. “We did nang pinanood namin ang rushes ng movie.”
A Second Chance, produced by Star Cinema opens in theaters nationwide, November 25. The film premieres sa Megamall November 24.