Flattered sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na ang loveteam nila ang peg ng mga young loveteams natin ngayon. Na ‘yung tipong kapag tinanong mo sila kung sino ang gusto nilang sundan, Bea-Loydie talaga ang kanilang isasagot.
“Hindi naman dahil sa nakakatanda siya, pero parang ganu’n na rin,” natatawang sey ni Loydie.
“Pero more than that, parang mabigat din ‘yung nakaatang sa ‘yong responsilibidad, eh. Especially kung sinusundan ka ng mata ng younger generation.
“Pero sana, hindi lang ‘yung mga rela-relasyon ang kanilang sinusundan. I would want to see the younger generation really pay attention to the craft, to the art, ‘yung film, ‘yung makita mong seryoso sila sa ginagawa nila, hindi lang ‘yung inaabangan kung ilan ang followers nila sa social media. Na parang you would want to see that, eh. ‘Yung ganun’g qualities sa mga susunod na henerasyon,” dagdag pa ng aktor.
Sina Bea at Loydie ang isang magandang ehemplo ng isang loveteam na kahit walang relasyon ay talagang minahal ng mga tao at kinapitan nang bonggang bongga ang onscreen tandem.
Ngayon pa nga lang ay sobrang inaabangan na ang movie nilang A Second Chance na sequel ng One More Chance showing on Nov. 25.
Matatandaang tumatak nang husto sa mga tao ang One More Chance at ang karakter nilang Popoy at Basha na kahit 8 years ago pa ‘yun, talagang memorized pa rin ng mga tao ang mga lines at eksena nila.
Say nga ni Bea, nung ginagawa nila ang One More Chance, hindi nila akalaing magiging classic ito. “Parang feeling ko nga, milestone namin talagang dalawa ito (One More Chance),” say ni Bea.
“Nung panahong ginagawa namin ‘yun, parang hindi naman namin na-realize na ganu’n maa-affect ‘yung mga tao at magugustuhan ng mga tao ‘yung pelikula.
“We’re just very lucky na naging parte kami. Isa lang po kami sa maliit na bahagi ng kalakihan ng pelikula. Nandiyan po ‘yung mga writers and si Direk Cathy (Garcia-Molina) at lahat po kami, talagang nagtrabaho para mabuo ‘yung ganu’ng klaseng pelikula.”
Say naman ni Lloydie, “para kasing sumabay siya (the film) sa isang napaka-influential na generation kaya siguro ang tagal bago. . .imagine after 8 years, parang fresh pa rin siya sa memory ng karamihan. So, ‘yun lang, nagkataon lang siguro na ito ‘yung pelikula noon na sumasalamin sa generation noon.”
Sa A Second Chance, tulad nila sa totong buhay ay nag-mature na rin ang mga karakter nila. Sa trailer ay makikitang mag-asawa na sina Popoy at Basha at say ng dalawa, ibang iba naman daw ang story nito sa One More Chance. Karugtong pero iba.
Kahit pinagbabantaan na papatayin Youtube sensation na si Dyosa, anim na pelikula ang gagawin sa Viva
Sino ba ang mag-aakala na dahil lang sa hilig ni Dyosa Pockoh na i-video ang sarili sa YouTube ay matutupad ang pangarap niya na maging artista?
Sa mga hindi pamilyar sa videos ni Dyosa, siya ‘yung baklang mahilig magsuot ng two piece habang kinukunan ang sarili at talagang gandang-ganda siya sa sarili.
“June 2014 ‘yung kauna-unahan kong video na ginawa. Ito ‘yung Boring day ang pamagat o ‘yung gandang-ganda sa sarili ko na kamukha ko si Anne Curtis,” kwento ni Dyosa.
“Sa video kong iyon, ‘yung iba natuwa, pero mas marami ang nagalit. Pero thankful ako sa mga nang-bash dahil talagang nag-share sila ng nag-share ng video ko kahit gusto na nila akong patayin sa FB.
“Ang mga pamagat nga na inilalagay nila ‘pag isine-share eh, ‘pag nakita ko ang baklang ito papatayin ko ito’ o ‘kung gusto n’yong masira ang araw n’yo panoorin n’yo ito.’ Kung hindi dahil sa pamba-bash nila hindi kakalat ‘yung video ko,” kuwento pa ni Dyosa na tubong Lemery, Batangas at nagtapos ng Fine Arts sa UE Manila.
Kahit bina-bash na ay tuluy-tuloy lang daw siya sa paggawa ng video.
“Tuluy-tuloy lang ang paggawa ko ng video kasi maraming OFW ang natutuwa sa akin. Marami ang nagme-message sa akin at nagpapadala ng video na huwag daw akong tumigil sa paggawa. Minsan ko na kasing itinigil ang pag-upload ng video dahil nga may mga nagbabanta na rin sa buhay ng pamilya ko.
“Eh talagang maraming OFW ang natutuwa sa akin. Kasi nga raw pampasaya ng buhay nila’yung video ko at pampatanggal ng lungkot nila,” sabi pa ni Dyosa na ngayon ay alaga na ni Ogie Diaz at isa sa bida sa pelikulang Wang Fam.
Ang isa niyang video ay umabot ng 4-M views and share. Ito ‘yung pagwawalis siya ng bakuran habang naka-two piece. Ang pinakamaganda ngang naging resuta ng videos niya ay nakita ito ni katotong Ogie at kinuha siyang mag-arista, ganundin si Direk Wenn Deramas na nag-message sa kanya dahil gusto siyang isama sa Wang Fam.
“Medyo nagugulat ang pamilya ko sa nangyayari, nang sumikat na nga ang mga video ko kasi may mga pumupunta sa bahay nag-aalay sa dyosa na mga OFW. Nagpapadala sila ng chocolate, sapatos, damit. Eh ayoko naman ng ganoon dahil alam ko ang hirap ng buhay nila roon pero sila ang mapilit kung saan-saan pa sila nanggaling talagang pumupunta sa bahay ko. Ang nanay ko naloloka kasi siya ang nag-e-entertain kapag wala ako, napapagod daw siya,” kuwento pa ni Dyosa na ngayo’y may anim na movies guaranteed under Viva Films.