MANILA, Philippines – Pinakamasayang Pasko ang darating para kay Alden Richards.
Maaga kasing ibinigay ni Lord ang biyayang kanyang inaasam-asam. Nakakahanga si Alden dahil sa kabila ng tagumpay, hindi siya naging maramot sa fans.
Kahit abala sa Eat Bulaga, basta may commitment, pinupuntahan niya. Noon ay nagpunta siya sa Iloilo City at more or less, fifty thousand ang nanood sa kanya roon.
Kung iisipin napakahirap ng lakad niyang iyon, dahil kinabukasan ay kailangan nasa Eat Bulaga na siya para mag-meet sila ni Maine “Yaya Dub” Mendoza, wala talagang pahinga ang binata. May nagbibiro nga at nagtatanong, hindi ba siya napapagod sa ginagawang ito? Sagot ng actor, maganda ang nagyayaring ito kaysa nga naman nganga lang siya.
Eugene ayaw patinag sa show
Simple lang ang style ni Eugene Domingo at hindi ‘yung tipong papansin. May sarili siyang mundo sa show niyang Celebrity Bluff.
Hindi natitinag ang naturang show ni Eugene. Kapansin-pansin lang, parang hindi na siya interesado na mag-produce ng pelikula.
Remember, sa movie ni Eugene nagsimula ang pangalang tumabo ng limpak-limpak na pera, ang Kimmy Dora.