^

Pang Movies

Jason Dy dalang-dala sa kilig nina Daniel at Erich

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Aminado si Jason Dy na totoong tumaas ang talent fee niya bilang haranista ng kompanyang Harana.Ph sa tuwing siya ang nire-request na kumanta sa special event ng mga kliyente nito.

Since nanalo nga siya bilang grand champion ng The Voice of The Philippines Season 2, naging madalang na ang pagtanggap niya ng trabaho dahil sa iba niyang commitment sa showbiz. 

Marami naman daw ibang in house singers ang grupo lalo na kapag malalayong probinsiya ang pupuntahan.

Samantala, ayaw pa rin paawat ng mama niya na magtrabaho bilang nurse sa Singapore, pero ngayong Pasko ay magsasama-sama silang pamilya dahil uuwi saglit ito. Iniwan na rin ng brother niya ang napanalunan niyang house and lot sa Butuan.

Sa Butuan kasi napili ni Jason na kumuha ng bahay para raw may matutuluyan sila kapag umuuwi sa probinsiya. Mas gusto kasi ng utol niya na kasama ang lola at lolo nila sa bahay ng grandparents ng R&B singer.

Nai-record na rin pala ni Jason ang theme song ng teleseryeng Be My Lady na original na kinanta ni Martin Nievera.

Bale ba, next year pa mapapanood ang palabas na pagbibidahan nina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales.

Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na si Jason dahil approved kay Martin ang bago niyang version ng Be My Lady.

Binigyan daw siya ng freedom ni Martin na gawin ang gusto niya sa kanta. Nagandahan daw si Martin kaya hindi nabigo si Jason dahil ibinigay naman daw ang best niya sa bagong areglong kanta.

Kahit pressured si Jason, feeling honored siyang gawan ng new version ang kanta ni Martin.

Nadala rin daw siya sa kilig nina Daniel at Erich kaya mas madali kay Jason na relax at chill sa kantang Be My Lady dahil nahatak siya sa sweetness ng dalawa.

ANG

BE MY LADY

BE MY LADY.

DANIEL MATSUNAGA

ERICH GONZALES

JASON

JASON DY

MARTIN NIEVERA

NIYA

SA BUTUAN

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with