Tuluy-tuloy pa rin naman ang work ni Ritz Azul sa TV5 kahit nagkaroon ng malaking pagbabago sa network recently.
Mayroon siyang Happy Truck ng Bayan na napapanood every Sunday at ngayon ay may bagong Wattpad Presents episode titled Wicked Ways kung saan ay kapareha niya si Diether Ocampo.
Sa ngayon kasi ay nagkaroon na ng iba’t ibang content providers ang TV5 at si Viva big boss Vic del Rosario na ang Chief Entertainment Strategist. Dahil sa pagbabagong ito, marami ang nagtatanong kung ano na ang mangyayari sa mga homegrown talents ng Singko tulad nina Ritz, Eula Caballero, Mark Neumann, Vince Abrenica at marami pang iba.
Sa presscon ng Wattpad Presents ay tinanong namin si Ritz kung ano ba ang pagkakaalam niya sa kasalukuyang nagaganap at kung ano ba ang sinabi sa kanila ng network na mangyayari sa kanila.
“Well, ang balita ko, ‘yun nga, nag-take-over na si Sir Vic sa Talent Center (talent management ng TV5) and magkakasama ang TV5 at ang balita ko rin, eh, this December or first quarter of 2016, marami silang shows na ipo-produce ang Viva, plus ang TV5, pati ang ibang blocktimer shows, magkakaroon din.
“So, tingin ko, dadami ngayon ang shows ng TV5, hindi lang puro comedy, ang balita ko, may mga fantaserye and drama rin,” sey ni Ritz.
Ano na ang mangyayari sa tulad niyang homegrown talent?
“Well for me kasi, malapit na ring matapos ang contract ko, sa Jan. 2016 na. As for me, wala pa naman kaming napag-uusapan ng TV5 kung ano ang plano nila sa akin, wala pang renewal.
“Ako ngayon, naghihintay lang. Well, siyempre, may mga umaaligid na nagtatanong pero siyempre, tapusin muna natin ‘tong contract ko sa TV5.”
So, may nagpaparamdam nang network sa kanya? Pwede ba niyang i-share kung alin sa ABS-CBN at GMA-7 ang umaaligid na ‘yan?
Natawa si Ritz and said, “malalaman din natin after nun’g contract ko.”
Ayon pa sa young actress, open naman daw siya sa ideya ng paglipat sa ibang network lalo na nga kung hindi naman siya magre-renew sa TV5.
“Basta for now, nasa TV5 ako, tinatapos ko ‘yung contract ko and let’s see kung ano ‘yung mapag-uusapan namin, kung ire-renew ba nila ako. Basta open lang ako sa lahat ng opportunities pero gusto ko kasi sana, nami-miss kong mag-acting, drama. Gusto ko sana ring mapasama sa drama ulit.”
Pero siyempre, kung siya ang tatanungin, may parte sa puso niya ang TV5 dahil dito siya nagsimula. Kaya hihintayin daw muna niya kung may offer pero kung wala naman daw, at may offer naman sa iba, why not naman daw.
Aminado siyang nalito siya nung una niyang narinig ang pagbabago sa network.
“Una, nalito ako, naguguluhan ako sa setup. Kasi parang paulit-ulit na may tsismis na ganito, nag-start pa lang kami ni Eula (Caballlero) rito sa TV5, nagpalit-palit na kami ng head ng Talent Center.
“So ngayon, parang naguguluhan na naman ako. Pero ngayon, at least nakakakita ako ng improvement, may nangyayari naman. Eto tulad nito, Wattpad, nag-merge na nga ang Viva and TV5 artists,” she said.
Aminado siyang naisip din niya kung ano na ang mangyayari sa kanya sa TV5 pero naniniwala naman daw siyang kapag may nagsarang pintuan ay may mga bintana namang magbubukas.
Daniel gusto nang kalimutan si Kathryn!
Pinasilip na sa televiewers ang bagong mundo ni Yna (Kathryn Bernardo) sa Pangako Sa ‘Yo sa pagbabalik niya sa bansa matapos ang dalawang taong pag-aaral sa isang culinary school sa Estados Unidos.
Ngayong linggo, mas makikilala pa ang bagong Yna at ang kanyang bagong buhay sa Pilipinas, na kabaligtaran naman ng sinapit ni Angelo (Daniel Padilla).
Kasabay ng pangako sa sariling kalimutan na si Yna, desidido rin si Angelo na bumangon sa buhay para na maitaguyod nang mag-isa ang kapatid na si Lia (Andrea Brillantes).
Simple man ang trabaho ngayon sa isang panaderya, puno ng pag-asa si Angelo na muling guminhawa ang kanilang buhay katuwang sina Tatay Greggy (Tirso Cruz III), Monay (Mickey Ferriols), at Kabayan (Bayani Agbayani) na nagsisilbing bago niyang pamilya.
Kaabang-abang din kung saan uuwi ang aso’t pusang awayan nina Angelo at ng kapitbahay niyang si Ligaya (Sue Ramirez) na naging malapit sa isa’t isa sa kabila ng kanilang madalas na pagtatalo.
Pero ang mas inaabangan ngayon ng KathNiel fans ay ang pagkukrus ng landas nina Yna at Angelo pagkatapos ng dalawang taon.
Samantala, bilang patuloy na pasasalamat naman sa suporta ng fans ng serye ay handog ulit nito ang isang Thanksgiving Day tampok sina Kathryn, Daniel, at ang buong cast ng Pangako Sa ‘Yo na gaganapin sa Fairview Terraces Mall sa Nobyembre 29 (Linggo), 5 p.m.