MANILA, Philippines – Dahan-dahan at unti-unti nang nakakasanayan ng mga follower ng kalyeserye na wala sa eksena si Jose Manalo.
Nariyan naman daw si Maine Mendoza aka Yaya Dub, Alden Richards at syempre ang magkapatid na sina Wally Bayola at Paolo Ballesteros.
Ang masakit lang, sa pagkawala ni Jose nadamay na nawalan ng trabaho ang mga tauhan niyang Cuando, Cuando, Cuando.
Labing-lima yata yung mukhang ahente ng funeral parlor na alalay ni Jose ang nawala sa eksena. Ano ba ang dahilan?
Kung kelan pa naman malapit na ang Pasko, saka pa siya nawala.
Atleast nakamenos gastos ang Eat Bulaga, dahil marami din yung Cuando, Cuando na binabayaran sa araw-araw!
Mabuti pa nga ang mga Rogelio, Rogelio hindi natitinag sa likod ni Lola Nidora! Wala kasi silang mga kapritsong hinihingi. Ibibigay naman tiyak ang kapritso, sa pagdating ng tamang panahon, sabi nga ni Lola Nidora! Anyway, wala namang problemang hindi nalulutas, who knows, baka bukas makalawa, nandiyan na uli si Jose, dala-dala ang mahabang hagdanan para sumayaw.