^

Pang Movies

Career ni Nora, alive na alive na

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Magpapasko na, mapapansing humahataw uli ang career ni Superstar Nora Aunor. Mapapanood na siya sa teleseryeng Little Nanay kasama si Manoy Eddie Garcia at tinatampukan ni si Kris Bernal.

Itutuloy na rin ni Guy ang natigil nilang shooting ng pelikulang Kabisera katambal si Ricky Davao. Matindi ang drama sa pelikulang ito. Nakakwentuhan namin si Direk Boy San Agustin, ang director ng nasabing pelikula at talaga raw palang dibdiban ang ipinakitang pag-arte ni Guy.

First time idinirek ni Boy si Ate Guy na matagal din niyang inaasam-asam noon. Action director si Boy San Agustin, siya ang nagdirek ng orihinal na Ang Probinsyano ni Fernando Poe, Jr.

Sa pelikulang Kabisera, introducing ang baguhang si Jonares Flores na taga-Biñan, Laguna.

Bininyagan siya sa acting ni Ate Guy sa ilang eksenang ginampanan niya. Galing si Jonares sa angkan ng mga artista. Lola niya si Rosa Aguirre ng LVN Pictures.

Sa December na ang showing ng pelikulang Kabisera.

Ayon sa booker na si Vic Martinez, marami na ang nagtatanung kung kelan matatapos ang Kabisera para sa mga sinehan nila ipapalabas sa Seattle, USA.

Jose lagi na lang ‘missing’ sa kalyeserye

Bakit kaya ilang araw nang wala si Lola Tinidora (Jose Manalo) sa kalyeserye ng Eat Bulaga? May tampuhan bang nagaganap sa tatlong Lola ng sugod-bahay? Akala ko ba walang inggitan, bakit palaging nawawala ang isa sa kanila? Mabuti na lang marunong mag-adlib si Paolo Ballesteros kahit wala si Jose, kayang-kaya niyang mag-ala Gus Abelgas.

PERSONAL…

Happy Birthday to Tita Malou Fagar, AiAi delas Alas, Arnold Clavio, and Wally Bayola.

vuukle comment

ANG

ANG PROBINSYANO

ARNOLD CLAVIO

ATE GUY

BOY SAN AGUSTIN

DIREK BOY SAN AGUSTIN

EAT BULAGA

FERNANDO POE

GUS ABELGAS

HAPPY BIRTHDAY

KABISERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with