Nagkatotoo na ngang may kung anong “something” ang drama actor na ito.
Nag-post ito sa kanyang Instagram account kamakailan at kung ano’ng mga kawirduhan ang kanyang pinaglalagay.
Tila may hinahamon pa siyang isang taong malapit sa kanya na subukang patinuin siya.
Marami ang nanghihinayang na naman sa drama actor na ito dahil sinayang na naman nito ang pagkakataon na binigay sa kanya ng kanyang mother home studio.
Marami na naman siyang mga trabaho na nawala sa kanya. At ang nakakalungkot pa rito, mukhang wala siyang pinagsisisihan sa mga nangyayari.
Dasal pa rin ng mga kaibigan ng drama actor na maging maayos na ulit ang buhay nito dahil hindi pa naman daw huli ang lahat.
Pero nasa tao rin daw ito kung gusto niyang maligtas siya.
Mahirap kasing tulungan ang taong ayaw tumanggap ng tulong.
Alden updated na rin sa climate change
Tulad ng kanyang ka-loveteam na si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub, may concern na rin sa kanyang paligid ang Pambansang Bae na si Alden Richards.
Kamakailan ay nagpakita ng kanyang suporta si Yaya Dub sa mga pinagdaraanan ngayon ng mga Lumad. Sa pamamagitan ng kanilang fans na AlDub Nation ay naiparating ni Yaya Dub ang kanyang tulong sa indigenous tribe na ito na pinalayas sa kanilang kinalakhang lugar.
Si Alden naman ay kabilang sa mga sumusuporta sa #NowPH na may malaking concern sa climate change at sa pag-educate sa marami tungkol sa nangyayari na ngayon sa kanilang kapaligiran.
“Naghihintay ka na lang, ano ba titigil ‘yung ulan or malulunod ka na in the flood?
“I think we should be conscious about it para at least in the next 15 to 30 years, the generation who will start at this year, mayroon pa silang matitingnan after 30 years.
“Mayroon pa silang aabutan. So let’s save that for them,” sey pa ni Alden.
Importante para kay Alden ang kaayusan at ligtas na kalikasan. Kailangan ay magsimula na ang pagbabago sa bawat isa sa atin ngayon.
“The Earth is worth saving kasi it’s something that we should be proud of.
“Change starts in one person, then it will affect everyone. Let’s start the change now.”
Para mas marami pang malaman tungkol sa climate change at sa aksyon na dapat gawin, pumunta lang sa #NowPh website.
Henry Sy mahilig sa lechon
Ano ang pagkakapareho ng mga celebrities na sina Jay Manalo, Richard Quan, Regine Angeles, at Mister International 2014 Neil Perez?
Pare-pareho silang mahilig kumain ng lechon!
Kaya naman sa naganap na 50th Anniversary ng numero unong lechon business sa Pilipinas na Lydia’s Lechon ay dumalo pa ang mga celebrities na ito sa flagship restaurant nito sa Baclaran, Parañaque City.
Lydia’s Lechon ang siyang pioneer sa local pig business. Mula sa simpleng retail stall sa labas ng Baclaran Church in 1965, lumaki na ito sa sampung restaurants and labing-anim na outlets/kiosks sa Metro Manila.
“My parents were both lechoneros,” sey pa ng may-ari na si Mrs. Lydia de Roca.
“I grew up in this kind of business and decided to start my own using what I learned from them.”
Nagsimula si Mrs. De Roca sa halagang P500 na isang “pakimkim” para sa binyag ng kanyang ikalawang anak na si Ricky.
Naisip nila ng kanyang mister na si Benigno na gamitin ang pera bilang capital ng kanilang negosyo.
Dahil sa tiyaga at sipag, nakilala na ang Lydia’s Lechon. Mga malalaking hotel tulad ng Sulo Hotel at Manila Hotel ay nananatiling customer nila hanggang ngayon.
In 1986, nabuksan ang unang Lydia’s Lechon restaurant sa Baclaran. Isa sa frequent customers nila noon pa ay si Mr. Henry Sy of SM Malls.
Kaya naman may 11 Lydia’s Lechon outlets sa lahat ng SM foodcourts.
“We’ve come a long way!” ngiti pa ni Mrs. De Roca.
“We want to thank God, our customers and our employees for making us a household name for 50 years and counting.
“We want to be a world-class Filipino brand that the old and new generation would continue to enjoy.”