^

Pang Movies

KathNiel vs. AlDub, X-mas station ID matindi rin ang bakbakan

Jun Nardo - Pang-masa

Simula na ng labanan sa social media ng Christmas station ID ng GMA at ABS-CBN. Nagsimula na ito sa posting ng videos na kumakanta ang mga artista ng kapwa networks.

Unang nag-post ang Kapamilya Network ng video ng recording ng duet nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ng Christmas song.

Buong ningning na ini-report sa social media at iba pang links ng network na sa 1 million views ang post na ‘yon.

Pero tinaob ang KathNiel ni Alden Richards nang i-launch ng music video ng kanyang recording session para sa GMA Christmas Station ID theme song na MaGMAhalan Tayo Ngayong Pasko.

Take note na simula nang i-launch ang video, tinatayang mahigit na 1.5 million na ang combined views nito sa Facebook at YouTube!

Anyway, hindi na maiinip ang publiko dahil malapit nang mapanood ang inaabangang Christmas station ID ng Kapuso Network.

Still on Alden, tuloy pa rin ang balita sa offer ni Joed Serrano na mag-concert siya sa Araneta Coliseum.

February ang lumabas sa report na gusto niyang isagawa ang concert ng Ang Pambansang Bae.

Pero may twist sa offer ni Joed. Ayon pa sa report, gusto ng actor-producer na isama sa concert si Yaya Dub/Maine Mendoza. P10-M din daw ang offer niyang bayad.

Pero gusto ni Joed na gawing two nights ang concert ng dalawa, huh! So tumatagin­ting na P20-M each ang offer niyang talent fee!

Sa totoo lang, may mata si Joed sa mga inooperan niyang mag-concert. Siya ang sumugal sa unang concerts nina Vice Ganda at Alex Gonzaga at ‘yung malaking ibinayad niya ay triple ang ibinalik sa puhunan niya, huh!

Mga pagkain sa Ka Tunying’s kakaiba, meron pang agimat!

Wake-up call na rin sa mag-asawang Anthony at Rossel Taberna ang nangyaring pamamaril sa kanilang bagong tayo na Ka Tunying’s Café (KTC) sa Visayas Avenue, QC nu’ng Agosto. Sa thanksgiving ng mag-asawa sa entertainment media last Monday, hanggang ngayon ay wala pa raw lead sa kung sino ang gumawa nito.

“Wala kasi kaming death threat na natatanggap kaya hindi kami prepared sa gagawin. Kung meron, alam namin ang pag-iingat na gagawin sana,” pahayag ni Anthony.

Bago sinagawa ang question and answer portion ng pasasalamat ng mag-asawa, nagpasampol muna ang dalawang chefs ng kanilang dinarayong café ng Mochabayan Frappe at Isla Verde smoothie. Ito ang dalawang produktong ipinagmamalaki ng KTC. Ang Mochabayan Frappe ay pinaghalong kapeng Barako at Taal tsokolate. Meron din silang Tsoknat Frappe at Agimat – pinaghalong calamansi, cucumber at ginger syrup.

Itinayo nilang mag-asawa ang KTC bilang tribute na rin sa ama ni Anthony na nagpasikat ng Tunying’s Bread sa kanilang bayan sa Cabanatuan, Nueva Ecija. Dahil sa pagiging sikat ng tinapay na nabibili sa Puregold Supermarket, isinilang ang coffee shop nila na hindi lang Pinoy food ang natitikman ng publiko kundi ma­ging ang iba’t ibang klase ng tinapay sa ground floor ng lokasyon.

“Itinayo naming mag-asawa ang Ka Tunying’s Café at iba pang business bilang fall back kung sakaling hindi na ako ma­ging aktibo sa trabaho ko. Dalawa na ang anak ko at mahirap magpaaral.  Kahit wala na ako sa trabaho ko, gusto kong panatilihin ang pagiging breadwinner ko,” rason ni Ka Tunying.

Isa sa ipinagmamalaki ng KTC ay ang signature breakfast nitong Bototay Longsilog. Meron din silang champorado supreme at relyenong bangus.

Sinimplihan namin si Ka Tun­ying bago ang Q&A kung madi-disqualify si Senator Grace Poe bilang kandidato sa Presidente. Hindi diretso ang sagot niya. Basta ang sabi lang niya, “Matalinong tao si Grace!”

May alas pa rin daw kasi si Sen. Grace na ilalabas sa kumukuwestiyon ng kanyang citizenship na ilalabas niya sa mga susunod na araw, huh!

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ALEX GONZAGA

ANG

ANG MOCHABAYAN FRAPPE

ANG PAMBANSANG BAE

ARANETA COLISEUM

ATILDE

BOTOTAY LONGSILOG

KA TUNYING

PERO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with