^

Pang Movies

Miho at Jimboy, karapat-dapat na Big Winners

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Type ko ang dalawang nag-emerge champs for both the Pinoy Big Brother (PBB) 737 twin contests, the finale for which was held no less in Albay, Legazpi City, sina Jimboy (for PBB Teens) and Miho (PBB Regular).

This, we told one of the ‘brains’ behind the popular reality show, Cynthia Jordan.

But we feel bad, of course para kay Bailey May, na okay lang sana for us not to emerge champ, pero sana naging second or third placer man lang.

Pero pang-4th placer siya sa PBB Teens.

Bailey, though is star material. Lalo’t kapag naging mataas na siya sa pananagalog, tulad ng nangyari kay Sam Milby na dating Inglesero when he first became a boarder ni Kuya.

Laking ‘Tate kasi si Sam. Bailey, we all know, of course, was born and grew up in the United Kingdom.

It was Bailey’s Mom, a Filipina, na nanghikayat na mag-join si Bailey sa PBB para makisalamuha siya sa mga kaedad niyang Filipino teenagers. And of course ng mas may edad na sa kanya.

Of the winners Jimboy at Miho, talagang from the look of it, target kapwa nila ang premyong nakalaan sa mga mananalo ng first place sa reality show.

Galing sa mahirap na pamilya sa Nueva Ecija si Jimboy at pangarap niyang mabigyan ng magandang buhay ang ama, na isang namamasada ng tricycle, his housewife Mom, at mga kapatid.

Para sa kanyang anak sa pagkadalaga naman na si Aimee at ang hangarin niyang mabigyan ito ng magandang kinabukasan ang dahilan ng pagsali ni Miho sa PBB 737 at paghangad at pagdasal na manalo siya ng first place.

Malaking tulong para makilala ng mga sumusubaybay ng PBB 737, what kind of a mother si Miho to her six-year-old daughter, when Big Brother allowed Aimee to spend time with her sa loob ng kanyang bahay.

Behaved ang bata, matulungin, at masipag. At feel mo ang closeness nilang mag-ina.

Aba, ilan din yatang text votes ang naiambag ng a­ming assistant na si Dang Tal­del, masiguro lang na manalo si Miho.

Congrats, Jimboy at Miho.

Sa wakas Sam may bago nang inspirasyon

Speaking of Sam Milby, will he invite kaya ang kanyang kasalukuyang itinuturing na inspirasyon, isang half-British, half Filipino girl na nakilala at naka-close niya via online, sa kanyang concert, The Milby Way, on November 28 sa Kia Theater, Araneta Center?

Hindi pa man obviously sila nagkikitang dalawa, halatang may naghihintay nang magandang chapter sa kani-kanilang buhay.

As Sam said: Walang dahilan for him to pursue a girl, unless may nakikita siyang future with her.

Sam doesn’t deny na in the last few years, naging serious lang siya sa isang babae, si Anne Curtis.

Dinamdam niya nang labis ang kanilang paghihiwalay. Na marahil, siyang dahilan why he has remained loveless to date.

In the case of Anne, it’s an open book na in love siya with restaurateur and chef, Erwan Heussaff, younger brother of fellow actress-TV host niya na si Solenn Heussaff.

By the way, anytime this week na magsisimulang mapanood si Sam sa kanyang bagong series, Doble Kara, where he plays Sebastian, an ex-seminarian, na magkakaroon ng kaugnayan sa isa characters na ginagampanan ni Julia Montes (bilang Kara).

Kasalukuyan pa ring nagte-taping si Sam for his other upcoming series, Written In Our Stars, co-starring him with Piolo Pascual, Toni Gonzaga, at Jolina Magdangal.

ACIRC

AIMEE

ANG

ANNE CURTIS

ARANETA CENTER

AS SAM

BAILEY MAY

BIG BROTHER

JIMBOY

MIHO

SAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with