Ayaw sanang umiyak, pero napaiyak din si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera kahapon sa pagpapaalam niya dahil pansamantala muna siyang mawawala sa comedy-variety show ng GMA 7 na Sunday PinaSaya.
Sinurpresa kasi siya ng mga co-hosts niya sa show ng isang baby shower sa segment niya ng Judge MD.
Iisa ang sinabi nila na mami-miss nila si Marian, dahil para silang isang family na magkaka-bonding sa show.
Touching din ang sinabi ni AiAi delas Alas, na ang pagiging mother ay isang noble profession kaya wish nilang lahat ang safe delivery ni Marian sa magiging baby nila ni Dingdong Dantes, si Baby Letizia.
Nagpasalamat naman si Marian sa mga kasama at pangako niya, basta pwede na siyang mag-show muli, babalik siya, alam daw niyang papayagan naman siya ni Dingdong.
Huwag daw mag-alaala ang mga televiewers ng show dahil magugustuhan din nila ang papalit sa kanya bilang Judge MD. Nagpasalamat din si Marian sa televiewers.
Malapit na malapit na nga ang date with the stork ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera any day next week, o maaari ring mas mapaaga pa ang schedule niya.
Sa ngayon, inaabala ni Marian ang sarili sa pagluluto ng mga paborito nilang pagkain ni Dingdong na ipinu-post niya sa kanyang Instagram account. Madalas niyang iluto ay fish na may sabaw na may kasamang malunggay leaves na kailangan daw sa magbi-breast mom na tulad niya kapag nagsilang na siya.
Charice nakiki-AlDub na rin
Sa Sunday PinaSaya pa rin, special guest si Charice Pempengco sa DJ Bae segment ni Alden Richards.
May common denominator pala ang dalawa, bukod sa pareho silang taga-Laguna, iyong sister ni Alden, nagpapatahi pala ng school uniform sa lola ni Charice.
Siyempre pa, hindi pumayag si Alden na hindi kantahin ni Charice in her own version ang paboritong song ng AlDub Nation, ang God Gave Me You Ang last line, ni-request naman ni Charice na kantahin ni Alden. AlDub fan pala si Charice at pareho pa silang nag-pabebe wave ni Alden after the song.
Lani at Arnel, ayaw mag-endorso ng pulitiko
Ramdam na ang election fever at may nababasa na kaming mga artista na open ang pag-endorse nila sa mga politicians. Kaya natanong sina Lani Misalucha at Arnel Pineda noong presscon nila ng coming two-night concert ni Lani sa The Theatre ng Solaire Resorts & Casino, on December 4 & 5, na Voice of the Nightingale na special guest niya si Arnel Pineda, kung may lumapit na sa kanila para mag-endorse ng mga pulitiko.
Wala pa raw namang lumalapit kay Lani, pero kung iimbitahin siya to sing sa isang political convention, papayag naman siya, basta wala raw siyang sasabihin na ‘iboto’ si ganito at ganoong kandidato. Wala pa ring napipiling kandidato si Lani.
Lalaki ang napiling kandidato ni Arnel pero never daw siyang mag-i-endorse dahil ayaw niyang mabahiran ng pulitika ang kanyang Arnel Pineda Foundation, Inc. (APFI) na tumutulong sa streets kids.
Payag din si Arnel na mag-perform sa political convention pero wala siyang ie-endorse na pulitiko.
Mahirap daw kung may ie-endorse siyang politician tapos confict daw naman sa ibang politician.