Ate Vi, excited na sa magiging apo kina Luis at Angel

Angel

Mukha nga talagang excited nang maging lola si Ate Vi (Vilma Santos), at naniniwala siyang si Angel Locsin na nga ang dapat niyang maging manugang.

Isa pala siya sa nag-advice kay Angel na huwag na ngang gawin ang Darna movie kung makakaapekto iyon sa kanyang kalusugan.

Ipinaalala raw ni Ate Vi na mas mahalaga ang health, at saka ang mahalaga ay magkaroon ng anak, eventually apo niya.

Hindi ninyo masisisi si Ate Vi. Kung natatandaan ninyo, there was a time na very physical ang ginagawa niyang mga dance numbers sa kanyang TV show. Iyon ang hinahabol ng mga tao sa show niya.

In fact sinasabi nga nila, sa opening number lang ni Ate Vi sa kanyang show, benta na iyon. Kaya natatandaan namin, talagang pumapasok ang napakaraming commercials pagkatapos ng kanilang opening number. Iyon kasi ang gusto ng mga advertiser.

Ok lang kay Ate Vi ang mga ganoong numbers. Kaya naman niya eh. Pero dumating din ang panahon na sinabihan siya ng doctor na kung gusto niyang magkaroon ng isa pang anak, tigilan na muna niya ang mga ganoong activities. At that time gusto na ni Ate Vi na magkaroon ng anak ulit, kaya masakit man sa loob niya, at kahit na nangangahulugan iyon na magsasakripisyo maski na ang mga ibang kasama niya sa show, kailangan niyang tumigil. Nagkaanak naman siya.

Ganoon din siguro ang nasa isip niya. Dumating na rin kay Angel na kailangang isipin na ang kanyang kalusugan. At alam naman natin ang demands ng role ng Darna, at siguro nga naniniwala rin si Ate Vi na baka maapektuhan later on ang kakayahan ni Angel na magkaroon ng baby, kaya sinabihan din niya iyon.

Ang kantiyawan nga, gusto na talaga ni Ate Vi na magkaroon ng apo, at baka nga mapurnada pa iyon kung hindi mag-iingat sa kanyang health si Angel.

AiAi sinuwerte nang hindi pumasok sa pulitika

Matagal na niyang plano iyon, in fact, noon pa niya inilipat ang kanyang registration bilang isang botante sa kanyang bayan sa Batangas, pero mabuti na rin hindi itinuloy ni AiAi delas Alas ang balak niyang tumakbo sa pagka-mayor sa kanilang lugar.

Siguro naisip din naman niya, sa rami ng ginagawa niyang shows ngayon, at may pelikula pa siya, mas malaking ‘di hamak pa rin ang kikitain niya bilang isang aktres kaysa sa pumasok siya sa pulitika.

Kung pumasok siya sa pulitika, hindi na niya magagawa iyang pelikula niya para sa festival.

Sooner or later, kailangan iwanan na rin niya ang lahat ng TV shows na ginagawa niya.

Malaki ang epekto niyan lalo na sa kanyang Sunday noon time show na napakaganda ng ratings sa ngayon.

In fact, ngayon lang nakahabol ang ratings ng GMA 7 sa Sunday noontime slot na matagal na nahawakan ng ABS-CBN. Kung kumandidato si AiAi, ano ang magiging epekto noon?

Kaya nga sinasabi nila, sa show business, mas marami ang natuwa noong magdesisyon siyang huwag na lang tumuloy sa pagpasok sa pulitika.

Marami namang paraan para maglingkod sa bayan o tumulong sa mga kababayan niya, bukod sa pagiging mayor.

In fact, marami na rin naman siyang nagagawang charity work simula pa noon. Iba rin ang worries ng isang mayor dahil araw-araw lahat ng problema ng bayan babagsak sa iyo.

Eh si AiAi, kahit na sabihin mong sanay sa problema, problema namang personal iyon.

Iba iyong ang iniintindi mo ay problema ng buong bayan. Kung magkamali ka pa ng desisyon, aawayin ka pa ng mga tao.

Kaya nga sinasabi naming madalas, iyang mga sikat na artista, mag-artista na lang kayo.

 

Show comments