Sarah napagod na sa pagtataas ng kamay ng mga pulitiko!

Sarah

In the past, dumating din sa point si Sarah Geronimo na ang rami niyang ine-endorse na politicians tuwing sumasapit ang eleksyon.

 “Hindi lang isa, dalawa, tatlo, sabay-sabay ‘yun, minsan may magkaiba pang party. So, sabi ko, hindi tama ‘to,” pahayag ni Sarah.

Kaya ngayong 2016 elections, mas pinili na raw niyang wala munang i-endorse.

 “Sabi ko, the next time na mage-endorse ako ng isang running na politician, kailangan, bukas na ang isip ko sa mundo ng politics, dapat naniniwala ako nang totoo du’n sa ine-endorse ko,” sey pa niya.

Sa tingin ba niya ay may naging pagkakamali siya sa in-endorse niya before?

 “Hindi naman po sa naging pagkakamali. Kung anuman po ‘yung binigay kong contribution no’n as an endorser, heartfelt naman po lahat ‘yun. Hindi siya pagkakamali, eh. Lesson lang siya na the next time na gawin mo siya, kasi hindi siya biro, eh. Hindi siya talaga biro. ‘Yun lang ang natutunan ko.”

Kaya sorry na lang sa mga kandidato ngayon na gustong kunin ang serbisyo ni Sarah dahil time-out daw muna siya unless magbago ang isip niya.

Jessy sanay nang sinisiraan at nilalait ng fans ni Enrique

Aminado si Jessy Mendiola na sa tindi ng pangba-bash sa kanya recently ng mga fans, inisip niyang umalis na lang sa showbiz.

 “Countless times. Alam ng handler ko ‘yun. Sobrang lagi kaming nag-uusap, lagi nila akong kinakausap. Doon nga ako nagpapasalamat sa kanila, eh. Sa management, sa Star Magic, sa handler ko, sa mga tao sa paligid ko, pamilya ko, mga kaibigan ko, sila lahat nagsasabi sa akin na “we believe in you, even if you don’t believe in yourself, we do”. So that’s how strong they believed in me, na parang ako din, parang naniniwala na rin ako sa sarili ko,” pahayag ni Jessy.

Matitinding panlalait ang naranasan ng young actress kaugnay ng airplane incident na kinasangkutan niya with Enrique Gil.

Siyempre, ang mga nangba-bash sa kanya ay hindi niya fans at ‘yung iba ay LizQuen fans or ‘yung mga hindi siya talaga gusto.

“Hanggang ngayon naman, ang dami pa rin,” sey ng young actress. “Nakakatawa nga, kasi hindi lang isang issue ang bina-bash sa akin. Marami. So, parang nasasanay na lang ako.

 “Nasasanay na lang ako na parang kahit naman ano ang gawin mo, eh. You know, damn if you do, damn if you don’t. If you’re not going to do it, may sasabihin sa ‘yo. Kung gagawin mo, may sasabihin pa rin sa ‘yo.

 “So you might as well do want you want to do because they’re going to say something.”

Tungkol sa mga cryptic message na pino-post niya sa Instagram, say ni Jessy, noon pa naman daw ay mahilig na siyang mag-post ng mga quotations.

 “Ma-quote talaga ako, maarte talaga ako sa Instagram kasi more than Twitter, Instagram person ako. So, nagtataka lang ako kasi bakit ganu’n? Before pa naman ako nagpo-post ng mga quote, tapos ngayon, parang sobrang big deal na. Siguro, pag mag-post lang ako ng itim na picture, big deal pa rin.

 “I’m not giving any cryptic messages or pagpaparamdam or pagpapahiwatig. I just wanna post how I feel in the moment. I mean, lahat naman tayo, ganu’n di ba?”

Chiz proud sa hitsura ni Heart

We bet, proud na proud si Chiz Escudero sa kanyang misis na si Heart Evangelista.

Puring-puri kasi ng art director na si Paula Pangan ang mala-diyosang kagandahan ni Heart Evangelista.

Biruin mo naman, literal na “walang tapon,” ayon kay Paula nang namimili siya ng picture ng aktres na gagamitin sa beauty book na This is Me, Love Marie ng Summit Books.

“No wasted outtakes for this beauty! We had a hard time choosing the best photos for @iamhearte, lahat maganda! #ThisIsMeLoveMarie Coming Soon!,” sabi ni Paula sa Ins­tagram patungkol sa misis ni Chiz Escudero.

Ang This is Me, Love Marie na siyang kauna-unahang beauty guide ng isang Filipina actress mula sa Summit Books ay ini-release na kahapon, November 8.

Ani Heart, ang libro ay maihahalintulad niya sa diary niya sa nagdaang tatlumpung taon.

“Making the book was like writing in my diary and giving everyone a copy. Thirty years of everything I’ve learned,” sabi ni Heart.

 

Show comments