MANILA, Philippines – Sunud-sunod ang tagumpay ng Eat Bulaga dahil sa patuloy na pamamayagpag ng= kalyeserye sa telebisyon tampok ang phenomenal AlDub love team.
Ayon sa Nielsen TV Audience Measurement, ang Tamang Panahon concert sa Philippine Arena na ipinalabas noong October 24 ang kasalukuyang highest-rating single episode ngayong taon dahil sa naitala nitong 42.9 percent household rating sa NUTAM at 51.3 percent sa Mega Manila.
Ang Eat Bulaga rin ang nangunang programa noong Oktubre sa Urban Luzon at Mega Manila, at ito rin ang highest-rating Kapuso program sa NUTAM.
Samantala, maraming programa ng GMA 7 ang kabilang sa listahan ng top programs sa NUTAM, Urban Luzon at Mega Manila.
Bukod sa Eat Bulaga, pasok din sa listahan ang Kapuso weekend shows na Pepito Manaloto, Ismol Family, Kapuso Mo, Jessica Soho, 24 Oras Weekend, Magpakailanman, at Vampire Ang Daddy Ko na wagi sa kani-kanilang timeslots.
Kasama rin sa listahan ang 24 Oras, Sunday PinaSaya, Imbestigador, Karelasyon, Wowowin, Marimar, Beautiful Strangers, The Half Sisters, The Ryzza Mae Show Presents: Princess in the Palace, Celebrity Bluff, My Faithful Husband, Juan Tamad, Kapuso Movie Festival, Buena Familia, Wish Ko Lang, Destiny Rose at GMA Blockbusters.