Isa si Lani Misalucha sa ilan nating Pinoy artists na naka-penetrate sa international scene and at the same time, tagumpay din ang singing career dito sa Pinas.
Hindi siya nawawalan ng offers dito sa atin para mag-show, mag-concert, kumanta ng theme song ng teleserye at kung anu-ano pang event.
Tulad ngayon, kakatapos lang niya ng show sa Las Casas Filipinas last September at ngayon ay may upcoming concert naman siya sa The Theater sa Solaire Resort and Casino na gaganapin sa Dec. 4 and 5 titled Voice of the Nightingale with guest, Arnel Pineda na isa rin sa pride of our country dahil he made it internationally nang maging lead singer siya ng legendary US band na Journey.
Dahil nga hindi pa rin nawawalan ng offers sa Pinas, sanay na sanay na si Lani kasama ng kanyang mister na si Noli na magpabalik-balik ng Pinas at US.
Kaya naman aware na aware rin sila sa mga hindi magagandang issues ngayon sa bansa partikular na nga ang tanim-bala modus operandi sa airport.
“Sa totoo lang, nakakalungkot at ano nga ‘yung isang term pa doon? Nakakahiya,” say ni Lani kahapon sa presscon para sa Voice of the Nightingale concert.
Nakakahiya raw ang mga nangyayaring ito lalo na nga sa mga turista sa bansa.
Bale pa naman daw ay panay ang post niya sa kanyang social media account na “come to the Philippines” na parang nag-iimbita at nagpo-promote ng ating bansa.
“Pero dahil sa hindi magagandang issues ngayon, paano ka pa mag-iimbita? Lalo na sa mga first timer na talagang gustong makita ang Pilipinas, madidismaya sila,” she said.
Kaya wish daw niya na huwag silang mabiktima ng tanim-bala na ‘yan.
“Panalangin na lang natin na huwag. Kailangan prevention na lang talaga at gawan natin ng paraan para hindi tayo mabiktima.”
Bale itinuturing ang US na siyang bahay niya talaga pero siyempre, proud Filipino pa rin daw siya. It’s just that na nasa US ang dalawa niyang anak na 25 and 23 years old at ito ngang bunso ay doon na nagkaasawa at nagkaanak.
Ngayong may apo na raw siya, talagang lalo siyang nasasabik na umuwi ng US kapag narito siya sa bansa. Kaya nga kapag tapos na ang work niya rito, talagang lagi raw silang nagmamadali ng asawa na umuwi sa Tate para makasama ang mga anak at apo.
Marami nga raw ang nagtatanong sa kanya kung saan ba siya talaga magse-settle in the end, kung dito ba o doon na talaga sa US pero ani Lani ay hindi pa raw niya ito masasagot sa ngayon.
“Sa ngayon, ang nangyayari sa aming mag-asawa, andito kami every month. Minsan, may mga buwan pa nga na sa first week of the month nasa US ako, tapos at the end of the month, andito na naman.
“So, talagang napapadalas. Siguro, ganu’n ang magiging sitwasyon naming mag-asawa. Madalas na uuwi rito, pero ganunpaman nga, nagmamadali kami lagi umuwi para makalaro ko yung apo ko. Eh paano pa ‘pag dumami?” sey ng Asia’s Nightingale.
Emosyon nina Kathryn at Daniel, sumabog na
Pumalo sa national TV ratings at tatlong araw na trending sa social media ang matinding confrontation scene sa Pangako Sa ‘Yo noong Biyernes (Oct 30) kung saan ipinagtanggol ni Yna (Kathryn Bernardo) at ibinunyag ang katotohanan sa likod ng panggagahasa ni Amor Powers (Jodi Sta. Maria) noon.
Ayon sa datos ng Kantar Media, nagtala ng national TV rating na 34.5% ang episode kung saan inamin ni Yna na magkasabwat sina Claudia (Angelica Panganiban) at Diego (Bernard Palanca) sa panggagahasa ng huli kay Amor upang tuluyan na itong iwan ni Eduardo (Ian Veneracion).
Dahil nga sa pagsabog ng emosyon ng mga karakter kung kaya’t mainit itong pinag-usapan sa Twitter, kung saan naging numero unong trending topic ang hashtag na #PSYPaglantad sa buong mundo.