DNA test hindi nagtugma, buhay ni Sen. Grace dinaig pa ang mga pelikula ng kanyang inang si Susan Roces

Parang teleserye na sinusubaybayan ang mga pangyayari sa buhay ni Senator Grace Poe, lalo na ngayon na inamin nito na hindi nagtugma sa kanyang DNA ang resulta ng DNA test na ginawa niya noon.

Masyadong mara­ming twist ang kuwento ng buhay ni Mama Grace at dinaig pa nito ang mga kuwento ng dramatic movies na pinagbidahan ng kanyang nanay na si Susan Roces.

Pero hindi nawawalan ng pag-asa si Mama Grace na naniniwala na mapapatunayan niya na tunay na Pilipino siya at karapat-dapat na kumandidatong pangulo ng Pilipinas sa 2016.

Anak ni AiAi na taga-US, umuwi ng ‘Pinas para kay Alden

Naririto sa bansa si Sophia, ang one and only daughter ni AiAi Delas Alas na na-miss nang todo ang kanyang mother dear.

Matatagalan sa Pilipinas ang US-based daughter ni AiAi dahil dito na siya magdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

May hinala ako na may kinalaman si Alden Richards sa pagbabakasyon ni Sophia na fan na fan ng kalyeserye ng Eat Bulaga.

Hindi nahirapan si Sophia na makilala si Alden dahil kasama ito ng nanay niya sa Sunday PinaSaya at My Bebe Love.

Nag-join na nga ang bagets sa shooting ng filmfest movie ni AiAi para ma-meet niya nang personal ang hinahangaan na aktor na always accommodating sa fans.

Itinaon din ni Sophia ang Manila vacation niya sa nalalapit na birthday ni AiAi sa November 11.

Andre laging napagkakamalang suplado

Nakalimutan ko na i-greet ng happy birthday noong November 1 ang anak-anakan ko na si Andre Paras.

Twenty years old na si Andre noong All Saints Day at ang dumami pa ang mga movie at television assignment ang mga birthday wish ko para sa kanya.

Mabait na bata si Andre na napagkakamalan na suplado dahil mestisong-mestisong ang hitsura niya.

Dahil masunurin at responsible si Andre, good karma siya. Never na nawalan ng mga raket si Andre mula nang mag-artista siya.

Napapanood pa rin si Andre sa The Half Sisters ng GMA 7 at  kasama siya sa cast ng Wang Fam, ang Viva Films movie na showing sa mga sinehan sa November 18.

Isusunod ng Viva Films ang Girlfriend for Hire, ang launching movie ng loveteam nina Andre at Yassi Pressman.

Alfred naglamyerda sa Japan, hindi ramdam ang pressure sa eleksiyon

Matapos makipagtsikahan portion sa entertainment press noong nakaraang linggo, lumipad sa Japan si Congressman Alfred Vargas at ang kanyang pamilya.

Noong October 24 ang actual birthday ni Alfred at ang Japan trip ang birthday treat niya sa kanyang mag-iina.

Tuwing may libreng oras siya, dinadala ni Alfred sa ibang bansa ang pamilya niya para sa isang quality time bonding.

May plano nga pala ang misis ni Alfred na si Yasmine na mag-aral uli sa Italy at kapag natuloy ito, six months siya na mawawala. Isasama ni Yasmine sa Italy ang dalawang anak ni Alfred  pero sisiguraduhin nila na hindi maaapektuhan ang pag-aaral ng mga bagets.

Re-electionist si Alfred bilang house representative ng 5thDistrict ng Quezon City. Walang pressure sa kanya ang paparating na eleksyon dahil walang nangahas na labanan siya.

Therefore, si Alfred pa rin ang house representative ng mga residente ng 5th District sa susunod na tatlong taon.

Show comments