^

Pang Movies

Mga artistang namayapa, dinadagsa pa rin ng fans

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ngayon ay araw ng mga santo. All Saints’ day kung sabihin sa wikang Ingles. Todos los Santos, sabi ng mga Kastila.

Pero dito sa Pilipinas ay ginugunita natin ang ating mga mahal na yumao. Hindi po tayo mali sa ating paniniwala. Iyan ay dahil sa paniniwala rin natin sa turo na ang sino mang sumasampalataya sa Diyos at kay Hesukristong Panginoon natin, ay hindi talagang nawawasak kung hindi nalilipat lamang sa buhay na walang hanggan. Ibig sabihin, hindi man sila iyong may mga rebulto sa mga simbahan na kinikilala bilang mga santo, sila ay mga santo ring nasa buhay na walang hanggan.

Bukas ay araw ng mga kaluluwa. Iba naman iyan. Iyan ay dahil sa paniniwala na ang bawa’t buhay ay may kaluluwa. Ginugunita natin lalo na ang mga kaluluwang naghihintay pa ng lubos na kapahingahan.

Anyway, naging ugali na natin ang dumalaw sa mga sementeryo sa araw na ito. Ilang araw pa ang nakaraan, naisipan naming mamasyal sa mga sementeryo, doon sa libingan ng mga taong kilala namin.

Nadaanan namin ang libingan ng child actress noon na si Julie Vega. Mukhang marami pa ring fans ang dumadalaw sa kanya. Marami kasi ka­ming nakitang kandilang iba’t iba ang hitsura sa kanyang libingan eh. Malapit lang din noon ang libingan ng pinaslang na aktres na si Nida Blanca.

Napunta rin kami sa isang sementeryo kung saan namin nadaanan ang libingan ng sikat na ma­tinee idol noong araw na si Alfie Anido. Natuklap na ang mga letra ng kanyang pangalan, na nakaukit sa tanso. Ang tanging natira na lamang ay ang kanyang pirma. Tatlumpu’t apat na taon na siyang namayapa pero hanggang ngayon pinag-uusapan pa siya at ang kanyang naging kamatayan. Hindi naman masasabing napabayaan, pero ang balita namin nasa abroad na ang kanyang pamilya, kaya siguro hindi na napunang medyo kailangang ipagawa nang muli ang kanyang lapida. Pero sabi sa amin ng mga tao roon, hanggang ngayon daw ay marami pa ring fans si Alfie na nagpupunta sa kanyang libingan. Pabiro pa nga nilang sinabi na baka fans din ang nagtanggal ng letra sa lapida ng kanyang libingan at itinago iyon bilang souvenir.

Nang palabas na kami ng sementeryo, happy kami na may nakakaalala pa rin sa mga artistang namayapa na. May nagda­rasal pa rin para sa kanila na minsan ay nagbigay ng kaligayahan sa kanilang mga tagahanga.

Joey pinanindigan ang pagtawag ng kabayo kay Vice

Ano nga ba ang masama sa sinabi ni Joey de Leon? Bakit ba pinagbibintangan siyang nagpaparinig sa ibang tao? Nakita namin ang kanyang tweet na iyon kung saan inihalintulad niya ang career sa karera ng kabayo. Sabi niya, hindi dapat nagmamadali. Hindi naman karera ng kabayo iyan.

Ano ba naman ang masama roon? Ang sinasabi niya ay tungkol sa career. Wala naman siyang binabanggit na taong pinatutungkulan niya. In the first place career iyon, hindi tao. At bakit naman ikukumpara niya ang isang tao sa isang kabayo? Iyong nagsasabi na may pinariringgan siya, iyon ang mali dahil naniniwala sila na ang pinatutungkulan ay isang tao dahil lamang sa nabanggit na kabayo.

Ang ikumpara mo ang isang tao sa isang hayop, o iyong sabihin mo ang isang tao ay mukhang kabayo, iyon ang mali. Ang nag-iisip na isang tao ang pinatutungkulan ni Joey nang may banggitin siyang kabayo, iyon ang mali. Kasi sila ang nagkukumpara sa isang tao sa isang kabayo.

Hindi namin kinakampihan si Joey dahil kolumnista rin siya ng The Philippine STAR na kasamahan nitong PM (Pang-Masa). Hindi rin dahil pareho kami ng apelyido dahil siguro hindi naman kami magkaanak. Ang sinasabi lang namin, wala kaming nakitang mali sa sinabi niya.

ACIRC

ALFIE ANIDO

ALL SAINTS

ANG

ANO

HINDI

ISANG

KABAYO

KANYANG

MGA

TAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with