Primetime King Coco Martin is celebrating his 34th birthday today, Nov.1 at ayon sa aktor, ang patuloy na mataas na ratings ng Ang Probinsyano ang itinuturing niyang birthday gift.
Birthday wish ng aktor na magtuluy-tuloy pa ang kanyang mga blessings pero ang wish naman ng kanyang mga loyal supporters, sana ay matagpuan na niya ang kanyang “the one”.
Ang ibang fans niya naman ay naniniwalang girlfriend niya talaga si Julia Montes at nagtatanungan kung ano kaya ang birthday gift ng young actress sa kanya.
Eh si Maja Salvador kaya, ano ang gift?
Yul binilinan ni Piolo na ‘wag mangurakot!
Wala pa ring pagbabago sa friendship nina Piolo Pascual at Yul Servo. Ito ay ayon mismo sa huli na nakatsikahan namin the other night.
Taon na rin ang binibilang ng friendship nila na nagsimula pa even before pumasok sa politika si Yul.
Si Yul ay 3-termer na as councilor sa 3rd District ng Manila at ngayong 2016 elections ay susubukan naman niya sa Congress para sa nasabing distrito pa rin.
Say ng aktor/politician, name-maintain naman daw nila ni Piolo ang kanilang friendship at wala pa ring pagbabago although bihira na silang magkita.
Pero pagmamalaki ni Yul, kahit bihira silang magkita, anytime na kailangan niya ang suporta para sa kanyang kandidatura ay never siyang pinahindian ng kaibigan.
Aminado siyang sa tatlong beses niyang pagtakbo bilang councilor ay tinulungan siya ni Piolo sa budget ng kanyang kandidatura.
“Lagi siyang supportive sa akin basta ang bilin lang niya sa akin, “huwag kang mangurakot, brother, ha” kwento ni Yul.
Sa kanyang kandidatura ngayon bilang Congressman ay nangako raw si PJ (isa pang tawag kay Piolo) na tutulungan ulit siya.
“Sabi nga niya, pupuntahan niya raw ako sa kampanya, sabi ko, “wag na brother, tulungan mo na lang ako sa ano (budget),” nakangiting say ni Yul.
Bukod sa best friend, ninong din ng tatlong anak niya si Piolo kaya talagang parang pamilya na sila at wala raw siyang masasabi sa kabaitan ng aktor.
Isa pang best friend ni Yul ay si Baron Geisler at tulad ni PJ ay suportado rin nito ang kanyang kandidatura.
Napakabait din daw ni Baron, ‘yun nga lang, ‘pag nasosobrahan sa alak ay nahihirapan daw siya talagang ikontrol.
“Pero ang galing nu’n (na artista), isa ‘yan sa idol ko. Maski ano, kaya nu’n, kakainin ka niya (sa pag-arte) kaya kailangan, ‘pag ka-eksena mo siya, galingan mo rin,” kwento ni Yul.
Nangako rin daw ng suporta sa kanya si Superstar Nora Aunor na naging nanay-nanayan niya simula nang makasama niya noon sa award-winning film na Naglalayag.
Maganda ang record, Sarah may K sa malaking TF
Nilinaw ng dating Technical Education and Skills Development Authority Director na si Tito Boboy Syjuco na walang overpricing na nangyari nang kunin niya si Sarah Geronimo para sa isang TESDA commercial noong 2009.
Napabalita kasing nag-overprice raw si Tito Boboy sa talent fee ni Sarah pero nang makatsikahan namin siya sa isang pocket presscon, say niya ay wala itong katotohanan.
“Wala po, paano mangyayari ‘yun, naka-kontrata ‘yun, public document ‘yun,” pahayag ng 2016 Presidentiable.
“Sarah was very clean, nobody questioned anything about Sarah. Nobody questioned Sarah then, nobody questioned Sarah today. ‘Yung iba, nagsasabi, medyo mahal (ang TF), pero alam po ninyo, ‘yung mahal at mura, relative po ‘yan, eh.
“Kasi, ang importante rito, maganda ‘yung nage-endorse sa ‘yo. Kasi ‘yung TV commercial mo, ‘yung airing mo sa TV, mas malaking portion ng gastos ‘yun. Eh ang kung ang dala-dala mo naman, eh hindi naman kilala, hindi naman makakapekto, hindi naman makakapagbigay ng inspirasyon, eh sayang lang ang radio time and TV time mo.
“So, I think, I made a good decision there. We hired Sarah as a sponsor to our program and ‘yung mga commercials na ginawa namin, basically ‘yun ang naging produkto ng mga programa,” he said.
When asked kung magkano talaga ang tinanggap na talent fee ni Sarah that time, aniya ay hindi na niya matandaan.
Basta raw ang natatandaan niya, Sarah got what she deserved dahil that time, sikat na sikat na rin naman si Popstar.