Hindi pinayagan sina Senator Bong Revilla, Jr. at Senator Jinggoy Estrada na dumalaw sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay noong nakaraang taon kaya hindi na sila nag-file ng petition sa Sandiganbayan ngayong taon.
Tuwing All Saints Day, hindi nakalilimot si Papa Jinggoy na dumalaw sa puntod ni Rudy Fernandez noong hindi pa siya naka-detain sa PNP Custodial Center ng Camp Crame.
Kahit nakakulong siya, hindi pa rin nakakalimot si Papa Jinggoy sa kanyang pumanaw na best friend. Hindi man siya makakabisita sa libingan ni Daboy sa Heritage Park, regular ang pagpapadala ni Papa Jinggoy ng mga bulaklak.
Susan at Sen. Grace Inaabangan sa puntod ni FPJ
Bumisita na ako sa puntod ng mga magulang at kapatid ko, ilang araw bago ang All Saints Day dahil ayokong-ayoko na nakikipagsiksikan sa libu-libong tao na dumadagsa sa mga memorial park.
Hindi nakalilimot ang fans na pumunta, mag-alay ng mga dasal, kandila at bulaklak sa libingan ng kanilang mga hinahangaan na artista.
May fans na nahihirapan na maka-recover sa pagkawala ng favorite stars nila. May mga tagahanga si Fernando Poe, Jr. na hanggang ngayon, hindi makapaniwala na sumakabilang-buhay na ang King of Philippine Movies.
I’m sure, mas darami ang dadalaw sa puntod ni Kuya Ron sa Manila North Cemetery dahil sa kanilang pagbabaka-sakali na makita si Susan Roces at ang anak nito na si Senator Grace Poe.
Nanay ng PM columnist nabiktima laglag-bala gang sa NAIA pinag-iinitan ang mga senior citizen
Mag-expect tayo ng mga streamer at tarpaulin ng mga kakandidatong pulitiko sa lahat ng mga sementeryo dahil pagkakataon na nila na muling ipakilala ang sarili sa mga botante.
Sa May 2016 pa ang eleksyon pero nagsusulputan na ang mga billboard at tarpaulin ng mga kandidato na kiyeme-kiyemeng nagbibigay sa lahat ng mga paalaala na mag-ingat.
I-try kaya nila na ilagay ang kanilang mga babala sa NAIA para mag-ingat ang mga pasahero laban sa laglag-bala gang?
Mainit na mainit na pinag-uusapan ang isyu tungkol sa laglag-bala sa NAIA pero isang matandang babae na naman ang nahulihan kuno ng bala sa kanyang bag habang papunta sa Boracay.
Dapat mag-ingat ang mga senior citizen na katulad ko dahil napansin ko na tila mga senior citizen ang tina-target ng laglag-bala gang at mga porter sa NAIA.
Take note, 74 years old ang nanay ng PM (Pang-Masa) columnist na si Ruel Mendoza. Nanggaling mula sa Los Angeles, California ang madir ni Ruel na hindi kaagad nasundo sa arrival area ng NAIA dahil dinala siya ng porter sa dulong lugar ng airport habang nakasakay sa wheelchair, hiningan ng datung at ng load para sa cell phone. Kadiri ‘di ba?
Malas lang ng porter dahil hindi nagpakilala si Ruel na member ng media. Imposibleng hindi naloka ang abusadong porter nang mapanood niya sa 24 Oras ang interbyu kay Ruel na nagkuwento tungkol sa pambibiktima ng porter sa kanyang ina.
Kaya pinapayuhan ko ang mga senior citizen na bumibiyahe sa ibang bansa na maging mapagmasid habang nasa NAIA kayo at kung puwede, huwag magbiyahe na mag-isa. Mas mabuti na bumiyahe na may kasama para magdalawang-isip ang sinuman sa NAIA na may masamang balak sa kapwa.
Wang Fam swak kahit tapos na ang Halloween
Swak na swak para sa All Saints Day ang Wang Fam, ang horror comedy movie ng Viva Films pero sa November 18 pa ang playdate ng pelikulang ito nina Pokwang, Benjie Paras, Andre Paras, at Yassi Pressman.
Walang dapat ikabahala ang fans dahil for all seasons ang kuwento ng Wang Fam, hindi lamang pang-Halloween.