Manganganak na lang, Marian ibinalandra pa ang tiyan!

Magpapahinga na muna si Marian Rivera-Dantes sa Sunday PinaSaya simula sa Linggo, Nov. 1, 12:00 noon sa GMA 7 para maghanda na sa nalalapit niyang pagsisilang sa third week of November ng kanilang first baby ng asawang si Ding­dong Dantes, si Baby Letizia. 

Pero humataw pa ng pictorial si Marian noong isang araw para sa cover ng isang magazine for moms na lalabas na this November, na ipinakita ng soon-to-be mom ang 36 month tummy niya. Comment ng mga nakakita sa post niya sa Instagram account niya, maganda at sexy pa rin ang actress at tiyan lamang nito ang lumaki.

Noong isang araw, nakipagkita na rin ang mag-asawa sa kanilang pediatrician na mag-aalaga sa kanilang baby. Natanong tuloy si Marian kung babalik ba siya agad sa work niya pagkapanganak? Hindi raw niya alam sa kanyang asawa kung papayagan siya agad magtrabaho.  

Pero kung siya raw ang tatanungin, gusto muna niyang alagaan ang baby nila at saka na lamang ang pagbalik sa work, mahalaga raw sa kanila ni Dingdong ang kapakanan ng anak nila.  

Bukod kasi sa pagbabalik niya sa Sunday PinaSaya after giving birth, may drama series na rin daw inihahanda sa kanya.

Alden inalok ng 8-digit figure para sa concert

Nakakalula ang 8-digit talent fee na offer ng concert producer-manager na si Joed Serrano kay Alden Richards para sa first solo Valentine concert nito sa Smart Araneta Coliseum in 2016.  

Ipinahayag ito ni Joed sa contract-signing ng bago niyang talent na si Gabrielle C or si Garie Concepcion, ang unica hija nina Gabby Concepcion at Grace Ibuna, for Warner Music Philippines. 

Ayon kay Joed, nasa Sunday PinaSaya siya last Sunday at nakita niya kung paano mag-swoon ang mga fans kay Alden, kaya bigla siyang nag-offer ng ganun kalaking talent fee.  Alam daw niya ang demand ng mga tao kay Alden at kay Maine Mendoza (Yaya Dub) at iyon ang pinagbasehan niya.  

Naiparating na raw ni Joed ang offer sa kampo ni Alden pero wala pang sagot sa kanya. Alam daw niya kung gaano ka-hectic ang schedule ni Alden, pero kung matutupad daw ang concert, ang kukunin niyang special guest ay si Maine (naku, magkano naman kaya ang io-offer niya kay Maine?)

Kapatid ni KC, pinagpalit si Geoff kay Sam

Ang self-titled album ni Gabriel C. ay may five songs, kasama na rito ang Shadow Me Down which she co-wrote with a friend noong nasa States siya.  

Minsan na ring nakapag-release ng album si Garie sa Star Records bago siya pumunta ng States after graduating from college, para doon mag-work.  

Natanong si Garie kung sino ang gusto niyang maka-duet kung magkakaroon siya ng solo concert. Gusto raw niya si Lea Salonga. Eh, sino ang crush niya among the actors, noon daw ay si Geoff Eigenmann pero ngayon ang crush na niya ay si Sam Milby na kilala niya dahil friend ng kanyang Ate KC.

Show comments